September 2nd, 2006 by n25
Okay, so everything comes to an end. After writing
for 2 years in our class journal, it just came to an abrupt conclusion. Back
then I could’ve continued on creating journals for XECE-BiLyArAn, unfortunately
some external factors that were beyond my control prevented me from doing that
(the logbook went missing, got busy in school, etc.).
Many things still happened to me during my last year
in UST, but I think I’ll just be keeping those memories to myself (for the
meantime ;p). As for my future plans, I guess I’ll just be posting some
miscellenous, unrelated stuff that I wrote before, but for now I can’t say that
it will be on a regular basis. How about present experiences? We’ll see about
that, if I will ever do have the time…
For everyone who got the time to read these past works of mine, especially to those who made their comments, I just can’t thank you enough. At first I was hesitant on creating this blog series, but now I suppose it is time well spent. After all, "memories are just times well spent…"
Posted in Uncategorized | 5 Comments »
September 1st, 2006 by n25
Yr. 2, Iss. 8, Created 05/09/01
“Kay saraaap, ng may trabaho ka. Kay saraaap, ‘pag
kumakayod na. At kaaahiiit na nahihirapan ka… Basta’t malaki ang sweldo ok
naaah…”
Naku, kalian ko pa kaya mararanasan ‘yon? Sa ngayon,
isang hamak lang akong OJT dito sa PT&T, walang sweldo at walang mga benefits.
Sa katunayan nga eh nauuwi ko ‘yung timecard ko. Parang Jun nga ako dito eh,
‘yung parang wala lang (jok lang Jun!). Pero marami akong natutunan dito, at
hindi lang puro pang teknikal na bagay na marami sa atin ang nage-expect. Mga
bagay-bagay na nararanasan ng isang simpleng nagtatrabaho. Mga isyung tulad ng
problema sa pera, problema sa trabaho at katrabaho, problema sa stress at
puyat, atbp. Kung tutuusin nga eh wala akong kahirap-hirap sa trabaho ko. Biro
mo, magche-check ka lang ng mga linya kung may “trobol”, at bihira lang ‘yon.
Kaya madalas eh natutulog lang ako, o kaya eh nasa Cash & Carry. Namulat
lang ako sa mga katotohanan sa buhay nang dahil na rin sa mga supervisor ko.
Madalas kasi sila magkwento tungkol sa buhay nila, mga tipong lovelife o mga
nakakatawang anekdota. Pero may isang kwentong ‘di ko malilimutan. Tungkol ‘yon
sa kaibigan ng bisor ko na tumatakbong vice mayor ng Navotas. Siya ang paborito
doon, kaya sigurado na ang panalo niya. Kaso nga lang, may lumapit sa kanyang
isang kilalalang senador at pinipilit siyang umatras na sa pagka-vice mayor,
kasi wala raw siyang pera para manalo. May ipapasok nalang daw siyang iba. Iyan
ba ang isang matinong mambabatas? Ang lahat ng bagay ay ibinabatay sa yaman ng
bulsa, hindi ‘yung yaman sa sinseridad at paglilingkod? Iyan ba ang iboboto
niyo ngayong Mayo 14? Hindi ‘yan makakatulong, makakatulog lang iyan…
“Sa tuwina’y, nangungurakot kaaah. Batam-bata’y,
nanlilimas ka naaah. Ika’y ‘sang halimbawa ng isang kawaathaan. Hindi ka namin
iboboto sa halalaaan…”
Epilogue:
“I had rather be right than be president.”
Logbook
pages: 1.5
Fast fact: I had my first real job in 2003 as an engineer in an office at Makati, and coincidentally today I mark my 3rd year in that company. How time really passes…
Posted in Uncategorized | No Comments »
August 15th, 2006 by n25
Yr. 2, Iss. 7, Created 04/08/01
“Uhh… Sino ba ang nagpatay ng electric fan? Ang
init-init. Anong oras na ba? Ha!? Magfa-five pa lang ang init na! Sobra naman
‘tong tag-init na ‘to, oh. Teka, ba’t ayaw umandar ng fan? Ahhh!!! Brownout
pa!!!"
Ipako sa krus! Ipako sa krus! “Bakit ang taong ito
ang gusto niyong ipako, gayong wala naman siyang kasalanan?” Ipako sa krus!!
Ipako!!… “Grabe na ‘tong init na ‘to. Maka-ligo na nga. Naku, ang aga-aga pa.
Mamaya eh pagpapawisan nanaman ako nito. Sabagay, kanina pa naman brownout,
baka maya-maya lang eh magkaroon na…” “Talagang mapilit kayo. Kung ano man ang
inyong dahilan at siya’y nagkasala, kayo nang bahala sa kanya, basta ako ginawa
ko na ang parte ko.” Ipako!! Ipako!!… “Nakakabobo naman ang init na ‘to!
Hindi ka makakilos ng matino. Makapunta nalang sa SM, baka malamig pa doon…”
Ginapos siya sa isang poste, at siya’y nilatigo ng nilatigo hanggang siya’y
bumagsak nalang dahil sa sakit at pagod na naipon sa katawan niya. Pagkatapos
ay binigyan siya ng koronang yari sa tinik, na siyang bagay daw sa “hari ng mga
hari”… “Wala ring kwenta, mainit din pala dito. Pero ok na rin ‘to, keysa naman
sa bahay na para kang nasa sauna. Aba! May ilaw na! Siguro mayroon na rin sa amin, makauwi na…" Pinasan niya ang krus na halos triple na sa bigat niya. Sa sobrang bigat, tatlong beses siyang bumagsak habang tinatahak ang daan patungo sa kanyang kamatayan… "Ha?! Wala pa rin?? Ba’t Quezon City lang ang nagkaroon?? Naiinis na ako!! Pagsimba nga mamaya eh babalik uli ako ng SM. Walang kwenta talaga ang Napocor na ‘to eh!…" "Aking Ama, ihahatubilin ko na po sa Inyo ang aking sarili…"
“Matapos bigkasin ni Jesus ang mga salitang iyon ay
nalagutan Siya ng hininga. Magsiluhod po tayong lahat.” Hanngang ngayon madilim
pa. Puro kandila lang ang nasa loob ng simbahan. Siguro, kaya nag-brownout eh
pinapaalalahanan tayo ng Diyos na ngayong Holy Week eh naghihirap si Jesus.
Siguro, tiisin nalang natin kung ano mang hirap ang nararanasan natin. Sa
paraang iyon, matutularan natin Siya, gaya ng pagtulong Niya sa atin sa araw-araw…
Epilogue:
“Pure and complete sorrow is as impossible as pure and complete joy.”
Logbook
pages: 1.5
Fast fact: As you can see from my entry, the Philippines was still experiencing long brownouts as recently as 2001. Then again, the world would be experiencing greater sorrow in the coming September of that year. May all those who have perished in the attacks rest in peace…
Posted in Uncategorized | No Comments »
August 1st, 2006 by n25
Yr. 2, Iss. 6, Created 03/18/01
“’Di ko kayang tanggapin, na mawawala ka na sa akin. Napakasakit na marinig na ayaw mo na sa aahhkin…”
Ibang klase talaga ang nagagawa ng serbesa, ‘no? Nung pagpasok pa lang namin don eh nagkakahiyaan pang umupo sa sala, ngayon eh dinaig pa ni Avelino si Jayson sa pagiging “Jukebox King” ng klase (sorry nalang Jay, umalis ka kagad eh). Nung una eh Westlife ang binabanatan niya. Tapos, nang medyo nalulunod na sa alkohol si Bunso, eh mga jologs na kanta na ang binira. Nawala nga ‘yung antok ko non sa katatawa, pati rin sina Pats, John, Rommel, “Big M”, Tiway at sina Sherwin eh nagkanda baliwan na. Kala ko nga non eh ligtas na kami sa mikropono, kaso nga lang para itong shot glass na pinagpapasa sa amin, kaya napasabak din kami. Sa totoo lang, ang saya nga eh. Biro mo, saan ka makakakita ng Napoleon Bautista na kumakanta ng Martin Nievera? O kaya ng John Liray na bumabanat ng Coco Lee? Bumagay nga kay Patrick ‘yung “Harana” ng Parokya. Sina Rommel din at Noel eh may mga kanya-kanyang banat. Pero kung banatan lang ang pag-uusapan eh si Avelino talaga ang bida. Nakuha niya pang suyuin ang dalawang bisita ni Sherwin na taga U.P. Bisita kamo? Birthday kasi ni Win non. Parang reunion na rin ng “Salamat’s Theater Boys” (ngayon eh choir na!). Timing na timing nga; pagkatapos ng lahat ng submission eh may kasiyahan para mag-unwind. Hmmm… ano nga bang ginawa ko non?
“Paminsan-minsaaan, ang alaahhla mooo’y nagbaaabaaalik. At aaminin kooo, hanggang ngayooon ika’y iniiiibiiig… (Huh? Ba’t ko nga ba kinakanta ‘to???)”
Epilogue: “The great source of pleasure is variety.”
Logbook pages: 1.0
Fast fact: Ok, as promised I’m going to tell you about my uncanny experience last year. Bunso spoke to me in my dream that night, and even though he was deceased then I never felt any fear because he was such a great friend that we missed him so much (as evidenced in today’s post). Anyway, he asked me how things were going on with me and our friends, especially his girlfriend. I just told him that we’re all ok here, that he has nothing to worry about. I also told him that we all miss him and we always prayed for him. Then, he just smiled back in return, the same smile that I always see from him when he was with us. The next day I told his girlfriend about what happened last night, and to my surprise she told me that on that night was the exact birthday of Bunso! He might be trying to remind me about that special day of his, or it may be some other sign. But the important thing is that I got to speak with someone very dear to our hearts, someone we felt has more things to accomplish in life. This post is dedicated to you, Bunso. We’ll never forget you!
Posted in Uncategorized | 2 Comments »
July 15th, 2006 by n25
Yr. 2, Iss. 5, Created 03/01/01
“Let us pray for our departed brothers and sisters,
namely… Eh… Eutiquiano Palarca…” Aba, matagal ko nang hindi naririnig ang pangalang iyon ah…
“Pa, kayo ba ‘yan? Pa! Kayo nga!” “Ano bang akala mo
sa akin, multo?” “Pa, kamusta na kayo? Kamusta na buhay niyo diyan?” “Heto,
masayang kasama ang mama’t lolo mo.” “Alam niyo Pa, marami akong makukwento sa
inyo. Kagagaling ko lang ho sa Kuala Lumpur. Maganda ho roon." "Oh? Kamusta naman si Helen? ‘Yung mga apo ko?" "Mabuti naman po sila. Sina Gugoy, Chris at Nona ay malalaki na. Pati rin sina Mark, Leo, Rlo at Ryan." "Eh sina Rey? Sina Rebecca? ‘Yung mga bata?" "Ah sina Raquel? Sana Pa nakita niyo sila. Si Rex mukhang artista, parang Monsour del Rosario." "Talaga? Sayang…" "Pa, miss ka na talaga namin. Kailan ba kayo babalik?" Hindi sumagot si Papa. "Pa, naririnig niyo ba ako?" May dumating na taxi. Pinara ni Papa. "Pa, saan kayo pupunta?" Hindi man lang siya lumingon. "Pa, huwag niyo akong iwan!!" Wala na siyang nagawa. Tuluyan nang lumayo si Papa…
Bakit kaya ganon? Kung sino pa ang wala na sa
mundong ito ay siya pa ang nakakaalala? Sa totoo nga, kung hindi ko pa nalamang
nagpamisa ang tito ko, hindi ko pa rin siguro maaalala ang lolo ko. Hindi naman
kasi kailangan pang hintayin ang araw ng patay o death anniversary. Tandaan
lang natin na nandiyan pa rin sila, na nangangailangan pa rin ng mga panalangin
natin. O sige na, Pa. Huwag niyo na po akong kalabitin…
Epilogue:
“You’ll never miss what you never had.”
Logbook
pages: 1.0
Fast fact: I had a similar experience last year when a departed friend of mine spoke to me in my dreams. To make things short it was just a normal conversation, but that dream’s timing was so mind-boggling I just can’t believe it. I’ll disclose the details in the next post since it’s about one of my many happy times with that good friend of mine.
Posted in Uncategorized | No Comments »
July 1st, 2006 by n25
Yr. 2, Iss. 4, Created 02/21/01
Talagang pinaghandaan ko ang araw na iyon. Bagong shine ang sapatos, bagong gupit ang buhok, maayos ang suot na damit, at siyempre hindi dapat mawawala ang confidence sa sarili…
Parang aakyat ng ligaw, ano? Pero hindi naman ‘yon ang ginawa ko non. Unang araw kasi iyon ng application para sa Thomasian Engineer (T.E.) Journal. Hindi ko nga alam kung bakit ko naisip na pumasok dun. Nayaya lang kasi ako nina Leomar at Jowi na subukan ‘yon. Editor-in-chief pa non si Jona, at sina Ivan naman eh mga baguhan palang. Siguro nagkalakas lang ako ng loob noon kasi marami akong kakilala sa T.E. Kala ko nga porque’t may kasosyo na ako sa loob eh makakalusot na agad ako. Sa totoo lang, ang hihirap ng mga pinagawa sa amin. Una, magsusulat ka ng mga essay, given ang topic. Tapos naman magiimbento ka ng istorya na gagawin mong pang news section. Meron din na gagawa ka ng editorial. Hiningi nga non ‘yung opinion ko sa texting. Siguro naka dalawang oras akong nagsusulat non, pero mabuti nalang at nagbunga ang paghihirap ko. Nakapasa ako… sa first round. May interview pa pala! ‘Yung mga matataas na tao sa T.E. ang nag-prito sa akon, na ang balita ko eh mga strikta talaga. Isa doon si Jona. Hinding-hindi ko talgaga malilimutan ang tanong niya sa akin: "Anong priority mo, ang pag-aaral o ang T.E.?" Kayo, ano sa palagay niyo?
Hindi ko na nakita ang pangalan ko sa billboard pagkatapos ng interview. Nagpakatotoo lang naman ako nung mga panahong ‘yon. Kaya naman kasi tayo pumasok sa Eng’g eh para mag-aral, hindi ‘yung maging journalist. Napagisip-isip ko rin na ang mga bagay na tulad ng pagsusulat eh kailangan ng napakalaking commitment. Ang importante ngayon ay ang pag-aaral ko, tsaka na ‘yung kahibangang ‘yon. Darating nalang ‘yon…
Epilogue: “Talent alone cannot make a writer.”
Logbook pages: 1.5
Fast fact: My failure to be included in the Thomasian Engineer Journal roster became beneficial in the end. Had I been accepted, this whole “XEcE-BiLyArAn” journal series would have never come to fruitition, making true to the saying that “for every door that closes, another one opens…”
Posted in Uncategorized | No Comments »
June 15th, 2006 by n25
Yr. 2, Iss. 3, Created 02/09/01
Hmmm… Napaka-contradicting ano? Paano magiging vertical ang horizon? Anyway, hindi naman tungkol sa bandang ‘yon ang isyung ito. Wala lang, natuwa lang ako sa “Vertical Limit”…
Kung mahilig kayo sa mga nakakabaliw na mga eksena, siguradong magagandahan kayo sa pelikulang ito. Tungkol ito sa magkapatid na climbers, sina Peter at Anne, na nagkahiwalay dahil sa isang pangyayaring di ko nalang sasabihin (hehehe). Itong si Peter tumigil na sa pagka-climb, pero itong si Anne ay pinagpatuoy pa rin niya hanggang sa sumikat siya. Kasama si Anne sa isang grupong nagtatangkang makarating sa tuktok ng pinakamataas na bundok sa may Pakistan para salubungin ang maiden flight ng isang airline. Kaso nga lang, habang papaakyat sila ay may nangyaring aksidente at nabaon sila sa yelo, kaya itong si Peter ay nagdesisyong gamitin muli ang galing niya sa pagakyat para mailigtas ang kapatid niya pati na ang ibang kasama nito. Naalala ko nga tuloy ‘yung "Cliffhanger" at "Alive" habang pinapanood ko ito. Sulit talaga…
Kayo, hanggang saan ang kaya niyong gawin para sa mahal niyo? Hanggang saan ba ang "Vertical Limit" niyo? Baka sing taas lang ni Jun ‘yun (jok lang Jun!). Hindi naman natin kailangang magtatalon sa bundok para sabihing mahal natin ang isa’t-isa. Ang kailangan lang ay pag-iintindi at dedikasyon. Doon pa lang ay malayo na ang mararating niyo. Tara, "What Women Want" naman…
Epilogue: “True compassion is love in action.”
Logbook pages: 1.0
Fast fact: Okay, okay. For those who haven’t watched "Vertical Limit" (pity you guys), the reason that Peter abandoned climbing was due to their father’s death in one of their "family climbs". An incident happened where the whole group was suspended in mid-air hanging only by a single rope. Since the rope cannot support their whole weight, his father decided to do a "climber’s sacrifice", a last ditch effort wherein he cuts his end of the rope to save his children from falling. A similar scene also happened near the end of the movie; amazingly Peter never went crazy after experiencing two such jarring events in his life.
Posted in Uncategorized | No Comments »
May 31st, 2006 by n25
Yr. 2, Iss. 2, Created 01/23/01
"Mommy anong araw po ngayon?" "Sabado anak, ba’t mo naman natanong?" "Kasi po dapat mga ganitong oras ay may cartoon na po… puro tangke lang po ang nasa TV eh…"
Napaka-inosente ko pa non. Anim na taong gulang pa lang ako non. Hindi ko man lang namamalayan na sa mga panahong iyon ay may isang mahalagang pangyayari na nagsisimulang umukit sa kasaysayan ng Pilipinas. ‘Yan po ang EDSA 1986 Revolution, o mas kilala bilang “People Power”. Ipinakita natin sa buong mundo na kapag tayo ay nagsama-sama at nakakaisang gaba’y ng Diyos ay kaya nating gawin ang mga bagay na tila imposible sa pananaw ng mga dayuhan. Sana nga nakasama ako nung mga panahon na iyon; siguro talagang hindi nga. Pero sadyang malikot ang tadhana. Kung ang una ay nagsimula nang dahil sa isang asasinasiyon, ang pangalawa nama’y dahil sa pagkait ng hustisya. Diyan nagsimula ang EDSA 2001 Revolution, ang "People Power 2". Pinatunayan nanaman po natin na bilang mga Pilipino ay kaya natin ipagtanggol ang ating kinabukasan sa paraang tayo lamang ang nakakagawa, at sa pagkakataong ito naroroon na ako na nakasaksi sa eksenang hindi ko binigyang halaga 15 taon na ang nakalilipas. Ipinagmamalaki ko talaga ang pagiging Pilipino…
Ngayong tapos na ang “People Power 2”, sana naman ay ‘wag na nating kalilimutan ang mga aral na naidulot sa atin nito. Tandaan din natin na ang daan patungo sa isang magandang kinabukasan ay hindi nakukuha sa puro rebolusiyon lamang. Bale wala ang ating ipinaglalaban kung puro pagkukutya at pagsisisihan lamang ang ating ginagawa…
Epilogue: “The Filipino is worth dying for.”
Logbook pages: 1.0
Fast fact: Because of my presence during those days, I was shown in a documentary on "People Power 2" along with my friends who were with me back then. It was only the second time that I was shown on national TV, the first one was when we did a greeting skit of sorts in a show called "Nap Knock" where I was a grade school student of Don Bosco back then.
Posted in Uncategorized | No Comments »
May 15th, 2006 by n25
Yr. 2, Iss. 1, Created 01/07/01
“Sinusunod ko siya. Kahit nga patay na siya eh
sinusunod ko pa rin siya. Mabuti ka nga kuya, kahit kulang ka sa maraming bagay
eh hindi ka nagkulang sa pagmamahal.” “Mahal ka rin nun. Basta mahal ka rin
non…”
Sa totoo lang, ang pinanonood ko lang sa sine eh mga
pelikulang imported. Nanonood lang ako ng pelikulang Pilipino ‘pag pinalabas na
sa TV o ‘pag nanghiram lang kami. Pero ibang klase talaga ‘tong "Tanging Yaman".
Nung una kong nabalitaan ang palabas na ito, nagkainteres agad ako. Ang totoo
nyan eh hindi ako mahilig sa drama, pero ibang klase ito. Tungkol kasi ito sa
buhay ng isang angkan na halos mawasak na dahil sa impluwensiya ng pera at mga
galit na dala ng nakaraan. Ipinapakita sa pelikulang ito ang kahalagaan ng
isang pamilya, na mas mahalaga pa sa kahit na anong bagay. Kung iisipin niyo eh
ang babaw ng istorya, pero nangyayari naman ito ‘di ba? Ang importante ay may
naibibigay itong mensahe na dapat natin isa-isip at isa-buhay. ‘Yun nga ‘yung
kinagulat ko: parang kaming magkakapatid kapag tumanda na. Mabugi nga’t habang
maaga eh nalaman ko agad ang epekto non, kaya talagang sisikapin kong hindi
kami matutulad sa mga magkakapatid sa "Tanging Yaman"…
Ano ba ‘yan. Basang-basa na ang balikat ko. Si
Haydee kasi iyak ng iyak. Eto kasing eksena nina Edu at Johnny eh… teka… syet…
napapaluha na ako…
Epilogue:
“The home is where the heart is.”
Logbook pages: 1.0
Fast fact: The last Filipino movie that I watched in a moviehouse was "Enteng Kabisote", and if I were a kid when I saw that I could’ve enjoyed it, unfortunately that was not the case. I’m not against Filipino movies (in fact I enjoyed watching classics such as "Minsa’y May Isang Gamu-gamu"); yes there are still some gems here and there, but I think most local films today still aim for a quick buck which is sadly not helping in the long run.
Posted in Uncategorized | No Comments »
May 1st, 2006 by n25
Yr. 2, Iss. 0, Created 12/01/00
"Ang tanga-tanga mo!! Maghuhugas ka lang ng pinggan eh nakabasag ka pa!! Eto ang dapat sa ‘yo!!" "’Tay, huwag, maawa na po kayo… ‘tay tama na!!" (pak!!)…
“Anak, kamusta ka na? Mabuti na ba ang pakiramdam
mo?” “ (Paluha) ‘Nay, bakit po ganon si itay? Konting pagkakamali ko lang eh
ginugulpi na ako? Wala naman po akong ginawang masama ah (singhot)?” “Tahan na
anak, balang araw magbabago rin ang tatay Ramon mo.” Hindi pa nakakahinahon ang
dalaga nang… “Hoy, Leandra! ‘Bilan mo nga ako ng beer sa kanto, mag-iinuman
kami ng kumpare ko!” “Ramon, papahingahin mo naman ang anak mo. Bug-bog na ‘yan
sa iyo eh.” “Hoy babae! Huwag kang mangenge-alam sa mga utos ko, ha Erlinda!
Baka gusto mong tamaan ka sa akin!” “’Nay, sige na po, susunod na po ako. Ayoko
pong mag-away nanaman po kayong dalawa.” “Anak, konting tiis nalang.
Pagka-graduate mo ng highschool, pumili ka ng kursong makakatulong sa iyo sa
hinaharap. Ayoko kitang matulad sa akin.” “Opo ‘nay.” “Hoy! At kukupad-kupad ka
pa ha (sabay tadyak)! Nakakahiya sa bisita ko!!” Naging ganon ang takbo ng
buhay ng mag-ina, hanggang sa nakatapos na ng highschool si Leandra. Nagkaroon
ng diperensya ang mga mata ng tatay niya, na siyang kinabulag niya. “’Nay, alam
ko na po ang kursong kukunin ko. ‘Yun pong doktor sa mata, para mapagaling ko
po ang itay.” Walang nasabi ang nanay niya at lumuluhang niyakap siya.
“Napaka-swerte talaga namin sa iyo, Leandra. Minsan lang ang isang anak na
tulad mo…”
Napakabilis ng panahon. Malapit nang makatapos ng
kolehiyo si Leandra. Ga-graduate na siya. Makakamit na niya ang mga pangarap
niya, ngunit sadyang malupit ang tadhana. Nasaksak siya ng isang holdaper
habang nakasay sa jeep. Umuwi si Leandra na isang malamig na bangkay; walang
diploma o medalya. Hindi maalis si mang Ramon sa mga labi ng anak niya. “Anak,
patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko sa iyo. Naging malupit at manhid ako sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Anak, patawad…" Sa unang pagkakataon, lumuha si mang Ramon, na siyang nabigyan ng paningin ng mga mata ng anak niyang si Leandra…
Epilogue:
“Si vis amari, ama.” (If you would be
loved, love)
Logbook
pages: 1.5
Fast
fact: Yet another experimentation on journal writing, this one is a poor
attempt to mimic a soap opera/tearjerker movie full of cheesy taglines. Oh
well, at least I haven’t ran out of ideas after a year of writing…
Posted in Uncategorized | No Comments »