Archive for June, 2005

A Long December…

Thursday, June 30th, 2005

Yr. 1, Iss. 2, Created 12/01/99

Kung mukhang pamilyar sa inyo ‘tong topic ngayon,
malamang kilala niyo rin ang bandang Counting Crows. Pinasikat nila ang kantang
yun nung mga 1997 (ata). Naging paborito ko ito dahil sa linyang: “A long
December, and there’s reason to believe. Maybe this year will be better than
the last…

Ngayong December na, siguro marami na kayong iniisip
na gawin, tulad ng ano ang ibibigay niyong regalo sa mga magulang, kapatid,
kaibigan, girlfriend, boyfriend, number 1, number 2… number n? Mabuti nga yang
nag-iisip para sa iba, pero naisip niyo na ba na matatapos nanaman ang isang
taon at darating nanaman ang isa pa? Nagawa niyo na ba ang inaasam niyo ngayon,
tulad ng pagbubuti sa pag-aaral, pakikipagkita sa dating barkada, pakikipagbati
sa dating kabarkada, pagsasabi ng “I lab u” sa nililigawan, o kaya’y manligaw
pa lang (ouch!)? Yung line sa “A Long December” ang nagpapaalala sa akin na
hindi pa huli ang lahat, na mayroon pang natitirang isang “literal” na buwan
para gawin ang inaasam at nararapat, ayusin ang pakakamali at di nararapat,
bago matapos ang taon. Pagkakataon na sana ay may mangyaring maganda na di natin malilimutan sa taong iyon. At kung naging "sorry ka nalang!" ang taon mo ngayon, meron pa namang darating na magbibigay sa ‘yo ng panibagong pag-asa sa buhay…
 

Sa lahat ng mga nakasama ko sa mahigit kumulang na 3
taon sa engineering, sa mga kaklase ko sa Don Bosco nung HS, sa mga taga
Pag-asa st., sa mga binoljack at jinackbol ko, Merry Christmas and a Happy New
Year!!! Tandaan lang: ang buhay natin ay maikli lang. Huwag nating sayangin ang
pagkakataong yon…

 

Epilogue:
“Manus manum lavat.” (One good turn
deserves another)

Logbook pages: 1.5

Fast fact: Believe it or not, someone thanked me after reading this particular journal.

Starcraft Players are Stupid!!!

Wednesday, June 15th, 2005

Yr. 1, Iss. 1, Created 11/23/99
(Disclaimer: For those who are affected by the topic, please read on before making any violent reactions. Tiway…)

Ayan nanaman siya. Gabi-gabi nalang niya ginagawa ‘to. Porque’t mabait ako sa kanya, inaabuso na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinsan ko siya, hindi ko siya kayang saktan. Awang-awa na nga ako… sa kanya…

Kung malikot ang takbo ng utak niyo (which is probable), magtataka kayo kung bakit ako pa ang naaawa sa pinsan ko samantalang siya na nga ang “nangaabuso”. Sa totoo lang, yung pinsan kong yon madalas makigamit ng telepono sa amin, halos gabi-gabi (O, ano? He, he). At ang pinaguusapan lang nila ng kaklase niya eh yung kinababaliwan ng masa na Starcraft. Alibi nga lang niya ang magtanong ng homework. Kaya naaawa ako sa kanya kasi halos buong buhay niya ay umiikot na sa Starcraft. Biro niyo, nagiipon siya ng pera para lang makalaro non! Hindi na kumakain yun, basta makalaro! Minsan, napapagkamalan ko nang may topak yun sa mga sinasabi niya: “Where does it hurt?”, “Identify target!”. Sa sobrang banas ko nga, ginawa ko yung topic ngayon sa IRC para mainis siya, kasi sobra na talaga ang pagkaadik niya dun. Nagpapatunay lang na ang lahat ng bagay, kapag sobra na, ay nakakasama. Tignan nalang natin kanina. Kung naintriga kayo sa intro ko, sobra ba kayong magbasa ng Sidney Sheldon o kaya’y dear diary ni “T.J.”? Kayong sobra mag jutes, nagtataka ba kayo kung bakit nahihirapan kayo sa ‘skwela? Kayo naming sobra mag-aral, napapansin niyo bang wala na kayong oras mag-jutes? Kahit nga pag-ibig, kapag sobra eh nakakasakal talaga (ouch!!!)…

… Naglakas loob na ako. Kailangang matigil na ito. Nung magkaroon ako ng pagkakataon, ipinagtapat ko na lahat sa tita ako. At hindi nagtagal ay natigil na ang kahibangang iyon. Ang dalangin ko lang,sana hindi ako masobrahan sa kakalaro ng Tiberian Sun. Nakakaadik talaga, he, he, he, he…

Epilogue: None

Logbook pages: 1

Fast fact: I never really got caught on games situated in space or with aliens, Starcraft included.

Kalbo na ako!!! Woohoooo!!!

Wednesday, June 1st, 2005

Yr. 1, Iss. 0, Created 11/18/99

Hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa kokote ko.
Basta ang alam ko, pumasok na lang ako at pinasintensyahan ko na ang buhok ko.
Marami akong naiisip habang kinakalbo na ako, tulad ng pagtatawanan kaya ako
(courtesy of single_f)? Pagtitripan (courtesy of Rudy)? O iisnabin kaya
(courtesy of Intriguing Pal)?

Bakit nga ba nagpapakalbo ang isang tao? Tanda ba
ito ng isang pagiging KSP o may mas malalim pang dahilan? Hindi naman ako Kulang
Sa Paligo, pero ang sa akin lang ay parang gusto lang ng tao na
makaranas ng kakaiba, isang bagay na radikal na ngayon lang nya gagawin. Sa
lagay ko naman, parang pasasalamat ko ito sa pagkakapasa ko last sem (at saka
hindi ko pa nasusubukan ang hairstyle na ito). Pagkatapos nga akong kalbuhin,
gusto kong magsisi. Pero imbis na tignan ko ito bilang isang kahihiyan, ginawa
ko na lang itong tanda ng isang pagbabagong makakatulong sa akin. Parang bagong
sapatos, bagong brace, bagong kaklase, bagong sem…

          Ang hiling ko nga sa sem na ito, sana mas maging solid pa ang 3ECE-B kasi tayo-tayo lang naman ang magtutulungan. Sana nga, sa tulong ng bagong raket na ito ni T.J., that we age together like wine does. Lahat yon, nang hindi na nagpapakalbo…


Epilogue:
None

Logbook
pages:
1

Fast
fact:
I never had a picture with my haircut then, which I regretted.