Archive for July, 2005

Seventeen Candles…

Saturday, July 30th, 2005

Yr. 1, Iss. 4, Created 12/15/99

And for our 17th rose is Ryan Palarca. He is an engineering student of blah, blah, blah…” Napakamot nanaman ako sa ulo. Sabi na nga ba’t mapapasabak nanaman ako dito, lalo na’t proxy rin yung emcee (pinsan ko kasi) pero ok lang naman. Isasayaw ko lang naman si ‘insan…

Nung naupo na uli ako, hindi ko maintindihan kung tuwang-tuwa o tawa ng tawa yung mga kamag-anak ko. Biglang banat ba naman ng tito ko eh, “Ryan, ‘san mo natutunan yung sayaw na yon… sa ROTC?” Sabay halak-hakan. Ganyan lang talaga ang angkan ng Palarca, ang pikon ay talo. Kaya ngiti nalang ako para wala na silang ma-sabi. Sa totoo lang, medyo nainis na ako non. Pero wala eh, sanayan lang. Lahi ka ng malalakas mantrip. Naglabasan nalang ang pagiging makulit namin nung nagsimula nang magsayawan. As usual, nagpapauso nanaman ako ng dance steps. Nagamit ko nga rin yung swing ni Warren nung gabing yon. Yung mga tito’t tita ko eh humataw din… “Horny” nga lang yung music. Siyempre, yung mommy at daddy ko sumayaw din, kasama na yung slow, romantic dance. Kung itatanong niyo kung nag slow dance rin ako, sorry nalang… wala kasi akong ka-boxing eh (pang-ilang “ouch” na ba ito?). Masaya na dapat ang gabi naming yon, pero meron lang lumantad na talagang nakakalungkot. Nagtaka rin ako nung una kung bakit 17 candles lang. Yun ngang sa roses sandamukal ang proxy, ba’t dito sa candles eh hindi man lang kinumpleto? Sa sobra yatang close nung 17th candle sa pinsan ko, wala sigurong makakapalit sa kanya. Kahit na mawala na siya sa mundo. Naaksidente raw kasi yung kaklase niya nung mga kalagitnaan ng second sem. Nakalagay na ang pangalan niya invitation, pero mukhang imbitado rin siya ng Diyos. Pababa kasi siya ng bus nang umandar bigla ito, kaya nahulog siya. Pinupulot palang niya yung gamit niya, nang biglang atrasan siya nito…

Nanlambot ako nun. Para lang pala tayong mga lamok na pwedeng mamatay sa isang iglap. Meron lang kasing iba sa atin na walang mahalaga sa kanila kungdi buhay lang nila. Nakatakas nga yung driver sa pananagutan sa ospital, pero sigurado akong hindi niya maiiwasan ang sa Diyos (sa lahat ng nagbu-bus diyan, konting ingat lang sa biyahe. Ayokong-ayokong mangyayari sa inyo ito.)…

Epilogue: “How I was born I do not remember. How I will die, I do not know.”

Logbook pages: 2

Fast fact: I’m still not a great dancer, just a wild one.

Tara na… Sa Laguna!

Friday, July 15th, 2005

Yr. 1, Iss. 3, Created 12/10/99            

       

         Ang sarap talaga ng Oreo. Sa totoo lang kahit walang gatas eh nakakarami ako nito. Pano ka ba namang makakapagdala ng gatas at maglublob ng Oreo dito kung nasa loob ka ng bus? Nakakasawa lang talaga ang chichirya kaya napagtripan namin ng mga HS classmates ko na magbaon ng biskwit papuntang Laguna. Talaga naman (sabay kagat…)!

Nakakahiya nga eh. Kami ba naman ang pinakaunang bisita ng kaklase ko. Piesta kasi dun, kaya naisipan niyang yayain kami para naman magkita-kita uli ang mga kolokoy at Waysted. Hindi naman lahat kami ay pumunta; tatlo lang kaming bisita niya (wow, dami pre…), pero sapat na iyon para sa isang masarap na kwentuhan ng mga kabalastugan namin nung gusgusing highschool palang kami. Natandaan ko tuloy yung “Mari-Mar voice-over” nung kaklase ko. Tinawag kasi siya para basahin ang isang parte ng libro. Hindi ako nakatingin sa kanya non, pero parang nag-iba ang boses niya. Napansin ko nalang na sa iba kong kaklase nangagaling yung boses, may kasama pang pagubo-ubo. Para ngang eksena ng isang pangit na pagkaka-dub na telenovela ang pinagagagawa nila. Kahit nga galit na galit na yung teacher, hindi namin mapigil ang katatawa. Naalala ko rin ang “Sabon Boys” na naghihilamos lang ‘pag dismissal na (hindi pa nagpapatuyo yon!), pati na yung mga nagsu-sugal at nagro-roleta sa likod ng classroom. Marami pa kaming napagkwentuhan nun, tulad ng X-rated na nakasalang sa video ng bus nung field trip namin at yung mini tournament namin ng basketball tuwing lunch (kaya nagkanda late-late kami), pero talagang mabilis ang oras, kailangan nang umuwi…

Eto nanaman sila. Christmas party daw. P500 per head. Solo namin ang resort. Hindi ko nga alam kung ano ang paniniwalaan ko sa mga ito, pero alam ko magkikita at magsasaya nanaman kami. Kaya nga sana, sa Christmas party ng 3ECE-B, eh maging masaya at matagumpay. Minsan lang naman mangyari ito sa buhay natin. Sigurado ako, isa nanaman ‘tong masayang alaala na babalik-balikan…

Epilogue: "The only rose without thorns is friendship."

Logbook pages: 1.5

Fast fact: During that same field trip, one of my classmates played a tape of my bandmate’s amateur performance using the bus’ stereo, which I sadly happen to be the vocalist. Very embarrassing indeed…