Milleniolog…
Monday, August 15th, 2005Yr. 1, Iss. 5, Created 01/04/00
Na-Y2K yata ang utak ko. Trenta minutos na akong
nag-iisip, wala pa akong maisulat sa isyung ito. Kung ba’t kabago-bago ng taon
eh sinumpong ako. Pati nga kamay ko parang nakalimot na sa pagsulat. Sa totoo
lang, nabitin lang ako sa bakasyon ko. Yung tipong inasar ka lang ba…
“Hoy, gising!! Year 2000 na!! Tapos na ang three
kings eh nagre-regalo ka pa!! Sa bundok ka yata nakatira!!!” Sabi na nga ba’t
babanatan nanaman ako ng konsensya ko eh. “Hoy, nakikinig ka ba?!?” Ganyan
talaga yan, umeepal ‘pag nagmumuni-muni ako sa wala. “Ba’t ba nakatunganga ka
nanaman? ‘Wag kang mag-alala, mahal ka nun!” Kahit nga ako naguguluhan sa
lokong ito. “Ano ka ba? Kaya ka tinatawag na E.S.! Napaghahalata!” Sabi ngang
wala lang akong maisip, mangugulo ka pa. “He, he, he, he. At tignan mo nga yang
topic mo, anong klaseng agahan yan?” Putik… ano ka ba? Hindi mo ba na-gets?
Short yan ng Millenium Monolog, tipong kinakausap mo ang sarili mo kung handa
ka na sa mga hinaharap ngayong bagong taon. “Milleniolog? Ang corny mo naman,
he, he, he…” Mabuti nga may naisip pa ako eh! Pakiramdam ko nga tumatanda na
ako; madali nang mapagod, madali nang makalimot. “Naku, ganyan lang talaga yan.
Ang buhay ay hindi sinusukat sa taon, kungdi sa paraan ng paggamit mo nito.
Kahit na sabihin mong bente anyos ka na, edad lang ang pinaguusapan don.
Tandaan mong iba ang edad sa buhay; katiting pa lang ang nararanasan mo sa
buhay, kaya habang maaga’y pagbutihan mo na!” Huy, magbe-bente pa lang ako
(loko ka ha!)! Pero tama ka nga, habang maaga dapat husayin ko na. Mahirap nang
maghintay pa ng isang milenyo…
Aba ok!! Himala, may naisulat ako! May nagawa ako kahit na may hang-over pa ako! Magandang panimula ng taon it. Salamat nga pala, konsensya… Kung wala ka siguro… "Walang-hiya ka? Totoo naman, di ba?" Ah, oo. "Ikaw naman o, hanggang ending eh dinadramahan mo pa…"
Epilogue:
“Life and love are all a dream.”
Logbook
pages: 1.5
Fast
fact: Talk about stupor. Really, one of the worst titles I’ve ever made up.