Archive for September, 2005

Superbabe 2000…

Friday, September 30th, 2005

Yr. 1, Iss. 8, Created 01/25/00

Sa pagtungtong ko ng 3rd year, hindi ko
akalain na may makikilala akong isang kaibigan na magtuturo sa akin ng
kahalagaan ng pagpapasensiya at pagpapahalaga ng gawain. Malamang kilala niyo
rin siya, kasi sikat siya sa classroom natin. Kung hindi niyo pa kilala, tignan
natin kung mahuhulaan niyo…

Kung ako ang tatanungin niyo, siya ang isa sa mga
pinakalapitin sa klase. “Hinahanap-hanap”, ika nga. Hindi na ako magtataka, ang
bait-bait kasi niya. Siya kasi yung tipong hindi nagagalit pag sinasaktan.
Hindi rin siya pikon; kahit anong sabihin mo ay tatanggapin niya. Ang
tiyaga-tiyaga rin niya; biro niyo simula’t sapul binabasa na niya ‘tong mga
pinagsusulat ko, na karamihan eh puro pampasakit ng ulo. Siyempre, hindi rin
siya magiging sikat kung hindi rin siya matalino. Gamay na gamay niya yung mga
subjects ng mga berdugo, tulad ng Math, ECE at Pol. Sci. Siya na rin siguro ang
pinaka-thoughtful sa lahat ng nakilala ko. Hindi niya kasi nakakalimutan ang
mga birthdays natin (sana ‘wag naman sumablay sa akin). Hindi siya sumikat dahil sa kanyang pagiging maingay. Sa katunayan nga eh napakatahimik niya. ‘Yun nga lang, napakahilig niya sa mga tsismis. Siya lang ang nakakaalam ng mga tunay na loveteams ng klase. Sobra rin siyang magsabi ng totoo, yung tipong mga di dapat sabihin eh nasasabi niya. Nakakalungkot nga, dahil dun nakakagawa na siya ng alitan sa klase nang ‘di niya sinasadya. Isa pang nakakainis sa kanya eh ‘yung pagkahilig niyang magtago ng kung anu-anong basura (ulk!)…

Ano, sirit na kayo? Mahirap bang mahulaan kung sino
siya? Hindi niyo pa rin kilala? Tsk, kung ahas lang siya eh natuklaw na kayo
non. Pero alam niyo, tayo rin naman ang naghubog sa kanya. Dahil na rin sa atin
ay nagkaroon siya ng personalidad, na talaga namang di natin malilimutan.
Sayang nga’t paalis na siya. Ang hiling ko lang ay magbalik siya. Nasa sa atin
na nga lang ang desisyon (sa mga di pa makakilala, kamag-anak siya ni T. J.)…

 

Epilogue:
“Unforgetful You…”

Logbook
pages:
1.5

Fast
fact:
Stumped? It’s the good ‘ol logbook you silly, and nothing else.

 

Ang Kilabot ng Lardizabal…

Thursday, September 15th, 2005

Yr. 1, Iss. 7, Created 01/18/00

Sa Forbes ang daan natin, ha?!” Okey. Tamang-tama
at male-late na kasi ako sa quiz sa math. Ba’t nagpuyat pa kasi ako, ‘yan tuloy
naghahabol ako ngayon. “O, konting usog lang ho at nang maka-larga na!!

… Umagang-umaga eh maakson na agad! Hindi ko man
lang naisip ito. Tulala nga kaming lahat, pati na rin yung kasabay kong
taga-eng. “Ano, lakarin na lang natin?” Huh?  Aba
, akala ko hanggang esep-esep nalang ang babaeng
ito. Sa totoo lang, napansin ko na siya nung pagkasakay niya. Ewan ko, pero
mahilig talaga ako sa mga maiikli ang buhok. Siguro malinis lang tignan. “Ano?
O sige, tutal malapit na yung ‘skwela eh. “Nangangatog pa rin ang tuhod ko!
Wag mo nang intindihin ‘yon, tapos na. Wala namang nakuha sa atin, eh. Oo nga
pala ako si Ryan. “Maricel.” Anong year mo na? “Third year, ChE.” Ha? Third
year ka rin?! Sa loob-loob ko mukhang matalino siya. ChE ba naman. Yang
chemistry ang isa sa nagpahirap sa akin… Wala na sana
kaming balak sumakay, pero may huminto na jeep sa harap namin. Halos nawala na sa isip ko yung math at si sir Tan dahil sa hold-up na yon. Wala namang nasaksak, pero madugo pa rin dahil sa pagkakatilapon ng isang pasahero nung rumaratsada yung jeep. Sa mga sitwasyong ganito iisipin natin na baka mawalan tayo ng bagay o maging ang ating buhay. Pero sa pagkakataong ito, nagkaroon pa ako ng bagong kilala. Ang buhay nga naman, o…

Kamusta ka na? “Eto, buhay pa rin.” Mabuti’t kilala
pa rin niya ako. “Pare, kilala mo yon?!?” Ha? Bakit, kilala mo rin siya? “Pare,
kaklase ko yon nung highschool!!
” Wala na akong masabi talaga. Isa kang tunay
na heartthrob, Moll…

Epilogue:
“Is what you’re living for worth dying
for?”

Logbook
pages:
1

Fast fact: This is just one of my close encounters of hold-up incidences. I even had one just recently.

Si Shinge, Bow…

Thursday, September 1st, 2005

Yr. 1, Iss.
6, Created 01/11/00

 

Ano ba naman yan! Inulit nanaman ang “Evangelion”!
Hindi ko na malalaman ang mga mangyayari pa kayna Shinge, Asuka at Rei. Yang
ABS-CBN na yan, nakakabitin na talaga! Ba’t kasi hindi nalang ituloy sa susunod
na kabanata! Tsk, mapapa-aga pa tuloy ang aral ko…

Tignan mo nga naman yan. Matapos muntik mabitay sa
Pol. Sci. eh eto nanaman ang Mech na napaka-wrong timing kung magpa-quiz. Kung
hindi sa pasko eh sa isang linggong tad-tad din ng exams. Mabuti nga’t napausog
namin yon para hindi sumabay sa paghatol kanina. Kung nangyari yon baka mabuhol
ang utak ko sa mga pulo at “trases” na yan. Pati nga spelling ko naaapektuhan
na!! Kanina rin, imbis na makapahinga ako galing ‘skwela puro trabaho pa ako!
Hugas ng plato, asikaso ng bata, linis ng kwarto, ano ba yan!!! Tapos ito pang
naka-ipit na micropills na ito! Ang hirap tuloy magsulat dito; kailangan mo
pang i-usli para tumino ang sulat mo. Naaasar na nga ako! Gumagabi na, wala pa
akong alam sa math! Isa akong taga-SMB!! May kopya na nga ako, hindi ko naman
nagagamit, arghh!! Naaasar na ako sa sarili ko!! Hindi!! Nagagalit na ako sa
sarili ko!! Paulit-ulit nalang ang buhay ko! Kain, aral, tulog! Wala man lamang
kakaibang nangyayari, yung mga tipong masarap balik-balikan sa isipan. Pero
wala!! Galit ako! Ga…

Teka. Parang nagiging kaugali ko na si Shinge, ah.
Sobra kung magalit sa sarili; naiisip nalang eh puro kahirapan at pagdurusa.
Bakit nga ba hindi ko nalang tignan ang bawa’t araw na kakaiba? Tutal, ang
pagiging buhay pa lang ay kakaiba na. Nagkakaroon ka ng tsansang mapatunayan sa
sarili na kaya mong maging matatag… na mukhang nakakalimutan ko na. Oo nga
pala, nag-aaral pa pala ako. Sa susu… teka. Ahhh!!! Ang buhay telepono ko!!!

 

Epilogue:
“Iratus semper plus poitat posse facer
quam possit.” (The angry man always thinks he can do more than he can.)

Logbook
pages:
1.5

Fast fact: I never did caught a glimpse on the final episodes of Evangelion, so lending me a copy will be greatly appreciated.