Panahon Nanaman…
Monday, October 31st, 2005Yr. 1, Iss. 10, Created 02/16/00
Sa lahat ng naalagaan naming hayop, ang kalapati
lang ang talagang pinaka-paborito namin. Mula pa nung elementary ako eh
nagalaga na kami non, natigil lang sandali nung masagasaan ‘yung paborito
naming kalapati. Pero bakit nga ba sa lahat ng alagang hayop eh itong ibong
malakas umipot ang napili namin?
Ang pinakagusto naming katangian ng kalapati eh ‘yung
palauwiin nito. Kahit saang lupalop mo ito dalhin, makakauwi ito lalo na kung
sinanay ito at iyong inuuwian nito ay ipinanganakan niya. Ang kalapati rin ang
kaisa-isang ibon na hindi na tinataas ang ulo para makainom. Nakakatuwa rin
silang pagmasdan kapag “nanliligaw” na ‘yung lalaki sa babaing kalapati.
Talagang pursigido siya; hindi tumitigil hangga’t di naaakit ‘yung babae. At
kapag sila ay naging mag-asawa, daig pa nila ang tao sa pagiging tapat nila sa
isa’t-isa. Salitan sila sa lahat ng bagay, tulad ng paglilimlim ng itlog,
pagpapakain sa mga inakay at pag-aayos ng balahibi ng isa’t-isa. Hinding-hindi
sila nagkakahiwalay, hanggang sa isa sa kanila ay mamatay. Kaya nga naman ang
kalapati ay bahagi na ng kasalan, dahil ito ang simbolo ng pag-ibig at tapat na
pagsasama bilang mag-asawa…
Ngayong panahon nanaman ng pag-ibig, sana ay tularan natin ang mga kalapati, na hindi lamang
nagmamahal sa isang araw, kungdi sa panghabang-buhay. Ika nga ni pareng Rico
Blanco: “Gumising ka, tara na… Anong motel ba?"
Epilogue:
“L’absence est a l’amour le qu’est au feu
vent; il eteint le petit, il allume le grand.” (Absence is to love what wind is
to fire; it extinguishes the small, it enkindles the great.)
Logbook
pages: 1
Fast
fact: The only weird thing about pigeons is that they don’t have any qualms
about incest (well, as long as their partner is dead or missing for a long time
anyway)!