Archive for November, 2005

Trip Lang ‘To…

Wednesday, November 30th, 2005

Yr. 1, Iss. 12, Created 03/16/00

Ibang klase talaga ‘tong si Nap. Tahimik pero nasa loob ang kulo. Nung una ko siyang naging kaklase, napakatahimik niya, ni hindi nga humihirit ‘yan eh. Pero ngayon, patindi ng patindi na ang mga sinasabi niya. “Immortal words” ika nga.

Kailangan ko kasing pumunta sa kanila para matapos ko ang documentation ng p*+@!ng power amp na ‘yan. Mahaba-haba rin ang nilakad namin; sa may P. Campa pa kasi siya nakatira. Hindi tuloy maiiwasan na magkwento siya. “’Lam mo, hinarangan ako ng mga frat diyan sa P. Noval. Hindi ko nga alam ‘yung gagawin ko, eh.” Buti na lang pinakawalan ka nung mga ‘yon. “Oo nga eh.” Siyempre, Boy Barena na, Boy Mustard pa! “Hehehe… pero pare, alam mo, ‘di ko na masyadong siniseryoso ang pag-aaral.” Ha?! Sa lagay mong ‘yan di ka nagseseryoso?!? Pano na kami?!?! “Hindi, pere… ganito kasi ‘yon. Lahat ng ginagawa natin sa buhay, pati ‘yang pag-aaral, trip lang ‘yon. Dati kasi masyado akong nagseseryoso, kaya ‘yon parang nawalan ako ng gana non. Kung anu-anong subjects ang dinrop ko. At saka masakit ‘pag di mo nakamit ang isang bagay na sineryoso mo masyado, ‘di ba?” Nanahimik nalang ako non…

Kailangan bang parating seryoso ang isang tao? O may oras lang ang pagseseryoso? Ngayong patapos na ang sem, nasa sa atin ang desisyon kung magsisipag o tatanga na lang tayo. Ika nga sa basketball, 4th quarter na, crunch time na. Ngayon, may isa na lang akong tanong para kay Nap: sa susunod na may mang hold-up uli sa iyo na dalawang babae, seseryosohin mo ba uli sila, o trip nalang ‘to?

 

Epilogue: “This world is a comedy to those that think, a tragedy to those that feel.”

Logbook pages: 1.5


Fast fact: The monikers "Boy Barena" and "Boy Mustard" came into  being as Nap almost had himself in trouble because of a drill press and a mustard bottle on separate occasions.

Dennis the Menace…

Tuesday, November 15th, 2005

Yr. 1, Iss. 11, Created 03/1/00

Parang nakakatamad bumalik, ah. Nasa bahay ka na,
naka sando, mainit pa sa labas. Sa totoo nga lang eh gusto kong matulog. Pero
masarap lang talagang panoorin maglaro ‘tong si Dennis…

Heto ako, pangata-ngata ng peanut brittle.
Mapungay-pungay na ang mga mata. Si Dennis naman, naglalaro sa PC ko.
Alas-kwatro dapat nasa iskwela na kami. Paano ba naman ‘tong bwiset na project
na ‘to na pinapagawa ni Django Bust-Amante Garcia, kailangan ma-test sa
oscilloscope bago mapagkabit-kabi. Nakakaasar nga eh, ba’t nagkaroon kagad kami
nito. Sabi nga nung nagbabantay sa lab eh pwede raw tayong magreklamo.
Pang-fourth year daw ‘tong pinagagagawa namin. Pero wala na tayong magagawa
diyan. Kahit papaano eh ngayon pa lang alam na natin ang gagawin natin, hindi
‘yung sa huli pa lang tayo nagkakagulo. Kaya nga habang maaga pa lang eh dapat
ayusin na natin ito. Tama na muna ang mga pagja-jackbol at pagbo-boljack. Kahit
na talagang nakakagulo ng utak ang mga nangyayari sa atin ngayon, mas
makakagulo ng buhay kapag sa huli pa tayo nagloko. Tandaan, magbabakasyon na…

Umalis pa ba kami? Kahit na magkamukha sila, may
pagkakaiba pa rin sila. Si Dennis kasi ang pinaglalaruan eh computer namin.
‘Yung isa naman diyan… Ewan, nakakasuka…

 

Epilogue:
“A fool often fails because he thinks
what is difficult is easy, and a wise man because he thinks what is easy is
difficult.”

Logbook
pages:
1

Fast Fact: Needless to say, after that stressfull 2nd sem, me and 2 of my friends spent a much needed break in Baguio. Talk about roadtrip!