Horny Tonite…
Yr. 1, Iss. 15, Created 07/18/00
Hay nako, ginagabi nanaman ako. Dapat kasi eh ginagawa ko na kanina ‘to. Yan tuloy, medyo nahihibang nanaman ako…
Ala lang. Kanina kasi, nag-aayos ako ng gamit. Alam niyo na, ‘yung mga tipong pira-pirasong mga papel na na-iipon nating habang nag-aaral pa sa Eng’g. Mahilig kasi akong magtatago ng mga ito. Siguro sa tinigin niyo eh puro basura lang ito, may ilan din naman na mapapangiti ka nalang kapag makikita mo. "Sentimental" ika nga. O ‘yun na nga, habang nag-aayos ako eh nakita ko uli ‘yung ticket ng una ‘kong pagpunta sa induction ball. Hindi ko nga alam kung bakit napapunta ako nun. Siguro may gusto lang akong makasama non, o baka nayaya lang ako. Ewan ko, pero ang alam ko nagsaya talaga ako non. Naalala ko pa nung manalo si Palicpic sa drinking contest. Tapos ‘yung tatlo pa kaming naghati-hati sa isang bote ng beer nung nagmahal na kinagabihan. Doon din ako nakakilala ng bagong kaibigan, na hanggang ngayon eh friends pa rin kami…
Oo nga pala. Mag-iisang linggo nalang at heto nanaman ako. Pangatlo ko na ‘to. Sana naman eh magsaya uli ako ngayong induction ball. At sana rin maki-join din kayo. Para naman at least may mapasaya kayo.
Epilogue: “The wind longs for what it has missed.” (Animus quod perdioit optat.)
Logbook pages: 1.0
Fast fact: Speaking of beer, did you know that alcoholic drinks actually lower your body temperature? The warm sensation you feel is just the body’s reaction to the alcohol in your drink. You’d be better off in eating chocolate, which does raise your body temperature (no wonder it’s the food of lovers!).