Archive for March, 2006

Ang Tito kong si Toti…

Friday, March 31st, 2006

Yr. 1, Iss. 20, Created 10/09/00

Ang saya talaga ng buhay ko sa Bulacan. Mga bata pa
kami noon ng mga pinsan ko. Sa lahat ng oras ay puro laro, bulakbol, at siyempre hindi rin maiiwasan ang mga kalokohan…

Hoy! Bumaba nga kayo riyan! Sinabi nang huwag
kayong aakyat riyan eh!
” ‘Yan si Toti. Ang tito kong terror sa Bulacan. Nahuli
niya kasi kaming umaakyat-baba sa pader. Tinitignan kasi namin ‘yung kalabaw na
naka-koral sa kabilang bakod. “’Alikayo rito’t maturuan ng leksyon…” Takot na
takot talaga kami non, lalo na pag hinahampas na niya ang patpat na pamalo sa
amin. “Dapa! Ihanda niyo ‘yang mga puwet niyo!” Siguro kung uso na ‘yung “Aray” noon, kanta na kami ng kanta non. ‘Yan ang madalas mangyari sa aming magpipinsan. Kapag ginagawa nga sa amin ‘yon, halos ikasuklam ko na siya. Nagsasaya lang naman kami, tapos kung paluin kami eh parang may nagawa na kaming mabigat na kasalanan. Pero, di nagtagal naintindihan ko na rin ang mga ginagawa niya. Naalala niyo pa ba nung tumalembang ako sa bisikleta (Malikat Ya Birthday,
Feb. 4, 2000, Iss. 9)? Nagkaroon ako ng malaking sugat sa binti non; halos gripo na ang pagtulo ng dugo. Takot nga akong magpakita kay Toti non, baka kasi pagalitan nanaman ako. Pero imbis na gawin niya ‘yon, ginamot niya ang sugat ko sa pamamagitan ng kanyang laway (sige, mandiri na kayo). Ilang sandali lang eh tumigil na ang pagdugo, at ilang araw lang eh naghilom na ang sugat. Kakaiba talaga si Toti…

Noon ko nalaman kung bakit ganun siya ka-strikto sa amin. Ayaw niya kaming mapahamak o madisgrasya. Gusto niya na bago kami gumawa ng isang hakbang, pagisipan muna namin kung tama ang gagawin namin. Sa ngayon, hindi na kami pinapalo ni Toti. Nasa New Jersey na siya ngayon, asenso na. Ang taong nasa tama talaga, malayo ang mararating sa buhay. Sana, balang araw, maging tulad ko rin po kayo, Tito Toti…


Epilogue:
“The secret of success is constancy to
purpose.”

Logbook
pages:
1.5

Fast
fact:
My uncle’s real name is Feliciano, and his real nickname is “Seseng”.
Well, where did “Toti” come from? It’s a reverse for “tito”, the Filipino
equivalent of “uncle”. Our parents usually tell us that we coined that name; however
I think that it is still unproven and is just one of our family’s more popular legends.

The Beautiful Ones…

Thursday, March 16th, 2006

Yr. 1, Iss. 19, Created 09/20/00

Sa wakas NECES week nanaman. Isang linggo nanaman ng
puro naka-civilian, pagkawala ng pasok, puno ng seminar at pa-contest. Isa na
sa pinakahihintay doon ay ang Mr. at Ms. NECES pagent. Ano nga bang nangyari
nung mga sandaling ‘yon?

Sa mga napanood ko nang mga pagent, ang Mr. at Ms.
NECES kagabi ang kakaiba. Dahil sa unang pagkakataon eh may sumaling contesant
na parang sira kung magdala sa sarili. Siya si JP, taga 5A, na kakilala ni
Michael Cas. Sabi nga niya matalino raw si JP, pero kung una niyo palang siya
nakita eh magtataka kayo kung bakit nakaabot pa ng fifth year ang sintu-sintong
‘to. Para nga siyang walang pagkaseryoso sa buhay. Pwedeng-pwede nga siya sa Skul Bukol. Sa pagent nga eh pansin na pansin siya. Sino ba naman ang di makakalimot sa wig na sinuot niya tapos ginawa pa niyang chest hair? O kaya ‘yung pag break-dance niya? ‘Yung kakaiba niyang lakad at palayaw (di ko masyadong na-gets eh)? Siguro kung wala siya doon eh sa "sandal blooper" at sa mga naughty questions nalang ni Joel kami matatawa. In short, kung wala siya, isa nanamang ordinaryong pagent ang nangyari kagabi. Parang buhay natin ‘yan eh: hindi sa lahat ng oras eh puro pagseseryoso nalang. Kahit papano eh dapat maglibang ang tao. Kaya nga naimbento ang pag le-leave, ang pasko, at ang NECES week… 

Sayang nga lang at di man lang siya naging finalist.
Seryoso kasi ang mga judges. Pero ‘wag mong sabihin na di ka naaliw sa kanya.
Oo nga pala, ang mga nanalo eh si Russel ng 4A at ‘yung 2nd year na returning
taekwondo contestant na si Joy. At Sheila, congrats nga pala. Kahit hindi ka
nanalo, panalo ka pa rin sa puso’t isipan namin. Napatunayan mo kasi na kaya
mong higitan ang sarili mong pagkahiya. Malayo ang mararating mo, Baby Love…

 

Epilogue:
“There is no excellent beauty that hath
not some strangeness in proportion.”

Logbook
pages:
1.5

Fast fact: "Baby Love" had no plans of competing in Mr. and Ms. NECES then as she is not fond of pagents, unfortunately the organizers require at least 1 for each section . She was basically "forced" to join as no one else in our class wanted to. Mustering enough courage to face the event, she eventually came out as a semi-finalist. Again, hats-off to you Sheila!