Archive for May, 2006

EDSA Live 2001…

Wednesday, May 31st, 2006

Yr. 2, Iss. 2, Created 01/23/01


"Mommy anong araw po ngayon?" "Sabado anak, ba’t mo naman natanong?" "Kasi po dapat mga ganitong oras ay may cartoon na po… puro tangke lang po ang nasa TV eh…"

Napaka-inosente ko pa non. Anim na taong gulang pa lang ako non. Hindi ko man lang namamalayan na sa mga panahong iyon ay may isang mahalagang pangyayari na nagsisimulang umukit sa kasaysayan ng Pilipinas. ‘Yan po ang EDSA 1986 Revolution, o mas kilala bilang “People Power”. Ipinakita natin sa buong mundo na kapag tayo ay nagsama-sama at nakakaisang gaba’y ng Diyos ay kaya nating gawin ang mga bagay na tila imposible sa pananaw ng mga dayuhan. Sana nga nakasama ako nung mga panahon na iyon; siguro talagang hindi nga. Pero sadyang malikot ang tadhana. Kung ang una ay nagsimula nang dahil sa isang asasinasiyon, ang pangalawa nama’y dahil sa pagkait ng hustisya. Diyan nagsimula ang EDSA 2001 Revolution, ang "People Power 2". Pinatunayan nanaman po natin na bilang mga Pilipino ay kaya natin ipagtanggol ang ating kinabukasan sa paraang tayo lamang ang nakakagawa, at sa pagkakataong ito naroroon na ako na nakasaksi sa eksenang hindi ko binigyang halaga 15 taon na ang nakalilipas. Ipinagmamalaki ko talaga ang pagiging Pilipino…

Ngayong tapos na ang “People Power 2”, sana naman ay ‘wag na nating kalilimutan ang mga aral na naidulot sa atin nito. Tandaan din natin na ang daan patungo sa isang magandang kinabukasan ay hindi nakukuha sa puro rebolusiyon lamang. Bale wala ang ating ipinaglalaban kung puro pagkukutya at pagsisisihan lamang ang ating ginagawa…

Epilogue:The Filipino is worth dying for.

Logbook pages: 1.0

Fast fact: Because of my presence during those days, I was shown in a documentary on "People Power 2" along with my friends who were with me back then. It was only the second time that I was shown on national TV, the first  one was when we did a greeting skit of sorts in a show called "Nap Knock" where I was a grade school student of Don Bosco back then.

Tinging Yaman…

Monday, May 15th, 2006

Yr. 2, Iss. 1, Created 01/07/01
 

Sinusunod ko siya. Kahit nga patay na siya eh
sinusunod ko pa rin siya. Mabuti ka nga kuya, kahit kulang ka sa maraming bagay
eh hindi ka nagkulang sa pagmamahal.
” “Mahal ka rin nun. Basta mahal ka rin
non…

Sa totoo lang, ang pinanonood ko lang sa sine eh mga
pelikulang imported. Nanonood lang ako ng pelikulang Pilipino ‘pag pinalabas na
sa TV o ‘pag nanghiram lang kami. Pero ibang klase talaga ‘tong "Tanging Yaman".
Nung una kong nabalitaan ang palabas na ito, nagkainteres agad ako. Ang totoo
nyan eh hindi ako mahilig sa drama, pero ibang klase ito. Tungkol kasi ito sa
buhay ng isang angkan na halos mawasak na dahil sa impluwensiya ng pera at mga
galit na dala ng nakaraan. Ipinapakita sa pelikulang ito ang kahalagaan ng
isang pamilya, na mas mahalaga pa sa kahit na anong bagay. Kung iisipin niyo eh
ang babaw ng istorya, pero nangyayari naman ito ‘di ba? Ang importante ay may
naibibigay itong mensahe na dapat natin isa-isip at isa-buhay. ‘Yun nga ‘yung
kinagulat ko: parang kaming magkakapatid kapag tumanda na. Mabugi nga’t habang
maaga eh nalaman ko agad ang epekto non, kaya talagang sisikapin kong hindi
kami matutulad sa mga magkakapatid sa "Tanging Yaman"…

Ano ba ‘yan. Basang-basa na ang balikat ko. Si
Haydee kasi iyak ng iyak. Eto kasing eksena nina Edu at Johnny eh… teka… syet…
napapaluha na ako…

 

Epilogue:
The home is where the heart is.

Logbook pages: 1.0

Fast fact: The last Filipino movie that I watched in a moviehouse was "Enteng Kabisote", and if I were a kid when I saw that I could’ve enjoyed it, unfortunately that was not the case. I’m not against Filipino movies (in fact I enjoyed watching classics such as "Minsa’y May Isang Gamu-gamu"); yes there are still some gems here and there, but I think most local films today still aim for a quick buck which is sadly not helping in the long run.

Minsan Lang…

Monday, May 1st, 2006

Yr. 2, Iss. 0, Created 12/01/00

"Ang tanga-tanga mo!! Maghuhugas ka lang ng pinggan eh nakabasag ka pa!! Eto ang dapat sa ‘yo!!" "’Tay, huwag, maawa na po kayo… ‘tay tama na!!" (pak!!)…

Anak, kamusta ka na? Mabuti na ba ang pakiramdam
mo?
” “ (Paluha) ‘Nay, bakit po ganon si itay? Konting pagkakamali ko lang eh
ginugulpi na ako? Wala naman po akong ginawang masama ah (singhot)?
” “Tahan na
anak, balang araw magbabago rin ang tatay Ramon mo.
” Hindi pa nakakahinahon ang
dalaga nang… “Hoy, Leandra! ‘Bilan mo nga ako ng beer sa kanto, mag-iinuman
kami ng kumpare ko!
” “Ramon, papahingahin mo naman ang anak mo. Bug-bog na ‘yan
sa iyo eh.
” “Hoy babae! Huwag kang mangenge-alam sa mga utos ko, ha Erlinda!
Baka gusto mong tamaan ka sa akin!
” “’Nay, sige na po, susunod na po ako. Ayoko
pong mag-away nanaman po kayong dalawa.
” “Anak, konting tiis nalang.
Pagka-graduate mo ng highschool, pumili ka ng kursong makakatulong sa iyo sa
hinaharap. Ayoko kitang matulad sa akin.
” “Opo ‘nay.” “Hoy! At kukupad-kupad ka
pa ha (sabay tadyak)! Nakakahiya sa bisita ko!!
” Naging ganon ang takbo ng
buhay ng mag-ina, hanggang sa nakatapos na ng highschool si Leandra. Nagkaroon
ng diperensya ang mga mata ng tatay niya, na siyang kinabulag niya. “’Nay, alam
ko na po ang kursong kukunin ko. ‘Yun pong doktor sa mata, para mapagaling ko
po ang itay.
” Walang nasabi ang nanay niya at lumuluhang niyakap siya.
Napaka-swerte talaga namin sa iyo, Leandra. Minsan lang ang isang anak na
tulad mo…

Napakabilis ng panahon. Malapit nang makatapos ng
kolehiyo si Leandra. Ga-graduate na siya. Makakamit na niya ang mga pangarap
niya, ngunit sadyang malupit ang tadhana. Nasaksak siya ng isang holdaper
habang nakasay sa jeep. Umuwi si Leandra na isang malamig na bangkay; walang
diploma o medalya. Hindi maalis si mang Ramon sa mga labi ng anak niya. “Anak,
patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko sa iyo. Naging malupit at manhid ako sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Anak, patawad…
" Sa unang pagkakataon, lumuha si mang Ramon, na siyang nabigyan ng paningin ng mga mata ng anak niyang si Leandra…

 

Epilogue:
“Si vis amari, ama.” (If you would be
loved, love)

Logbook
pages:
1.5

Fast
fact:
Yet another experimentation on journal writing, this one is a poor
attempt to mimic a soap opera/tearjerker movie full of cheesy taglines. Oh
well, at least I haven’t ran out of ideas after a year of writing…