Minsan Lang…

Yr. 2, Iss. 0, Created 12/01/00

"Ang tanga-tanga mo!! Maghuhugas ka lang ng pinggan eh nakabasag ka pa!! Eto ang dapat sa ‘yo!!" "’Tay, huwag, maawa na po kayo… ‘tay tama na!!" (pak!!)…

Anak, kamusta ka na? Mabuti na ba ang pakiramdam
mo?
” “ (Paluha) ‘Nay, bakit po ganon si itay? Konting pagkakamali ko lang eh
ginugulpi na ako? Wala naman po akong ginawang masama ah (singhot)?
” “Tahan na
anak, balang araw magbabago rin ang tatay Ramon mo.
” Hindi pa nakakahinahon ang
dalaga nang… “Hoy, Leandra! ‘Bilan mo nga ako ng beer sa kanto, mag-iinuman
kami ng kumpare ko!
” “Ramon, papahingahin mo naman ang anak mo. Bug-bog na ‘yan
sa iyo eh.
” “Hoy babae! Huwag kang mangenge-alam sa mga utos ko, ha Erlinda!
Baka gusto mong tamaan ka sa akin!
” “’Nay, sige na po, susunod na po ako. Ayoko
pong mag-away nanaman po kayong dalawa.
” “Anak, konting tiis nalang.
Pagka-graduate mo ng highschool, pumili ka ng kursong makakatulong sa iyo sa
hinaharap. Ayoko kitang matulad sa akin.
” “Opo ‘nay.” “Hoy! At kukupad-kupad ka
pa ha (sabay tadyak)! Nakakahiya sa bisita ko!!
” Naging ganon ang takbo ng
buhay ng mag-ina, hanggang sa nakatapos na ng highschool si Leandra. Nagkaroon
ng diperensya ang mga mata ng tatay niya, na siyang kinabulag niya. “’Nay, alam
ko na po ang kursong kukunin ko. ‘Yun pong doktor sa mata, para mapagaling ko
po ang itay.
” Walang nasabi ang nanay niya at lumuluhang niyakap siya.
Napaka-swerte talaga namin sa iyo, Leandra. Minsan lang ang isang anak na
tulad mo…

Napakabilis ng panahon. Malapit nang makatapos ng
kolehiyo si Leandra. Ga-graduate na siya. Makakamit na niya ang mga pangarap
niya, ngunit sadyang malupit ang tadhana. Nasaksak siya ng isang holdaper
habang nakasay sa jeep. Umuwi si Leandra na isang malamig na bangkay; walang
diploma o medalya. Hindi maalis si mang Ramon sa mga labi ng anak niya. “Anak,
patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko sa iyo. Naging malupit at manhid ako sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Anak, patawad…
" Sa unang pagkakataon, lumuha si mang Ramon, na siyang nabigyan ng paningin ng mga mata ng anak niyang si Leandra…

 

Epilogue:
“Si vis amari, ama.” (If you would be
loved, love)

Logbook
pages:
1.5

Fast
fact:
Yet another experimentation on journal writing, this one is a poor
attempt to mimic a soap opera/tearjerker movie full of cheesy taglines. Oh
well, at least I haven’t ran out of ideas after a year of writing…

Leave a Reply