Archive for July, 2006

Tikyong’s World…

Saturday, July 15th, 2006

Yr. 2, Iss. 5, Created 03/01/01

 

Let us pray for our departed brothers and sisters,
namely… Eh… Eutiquiano Palarca…
” Aba, matagal ko nang hindi naririnig ang pangalang iyon ah…

Pa, kayo ba ‘yan? Pa! Kayo nga!” “Ano bang akala mo
sa akin, multo?
” “Pa, kamusta na kayo? Kamusta na buhay niyo diyan?” “Heto,
masayang kasama ang mama’t lolo mo.
” “Alam niyo Pa, marami akong makukwento sa
inyo. Kagagaling ko lang ho sa Kuala Lumpur. Maganda ho roon.
" "Oh? Kamusta naman si Helen? ‘Yung mga apo ko?" "Mabuti naman po sila. Sina Gugoy, Chris at Nona ay malalaki na. Pati rin sina Mark, Leo, Rlo at Ryan." "Eh sina Rey? Sina Rebecca? ‘Yung mga bata?" "Ah sina Raquel? Sana Pa nakita niyo sila. Si Rex mukhang artista, parang Monsour del Rosario." "Talaga? Sayang…" "Pa, miss ka na talaga namin. Kailan ba kayo babalik?" Hindi sumagot si Papa. "Pa, naririnig niyo ba ako?" May dumating na taxi. Pinara ni Papa. "Pa, saan kayo pupunta?" Hindi man lang siya lumingon. "Pa, huwag  niyo  akong iwan!!" Wala na siyang nagawa. Tuluyan nang lumayo si Papa…

Bakit kaya ganon? Kung sino pa ang wala na sa
mundong ito ay siya pa ang nakakaalala? Sa totoo nga, kung hindi ko pa nalamang
nagpamisa ang tito ko, hindi ko pa rin siguro maaalala ang lolo ko. Hindi naman
kasi kailangan pang hintayin ang araw ng patay o death anniversary. Tandaan
lang natin na nandiyan pa rin sila, na nangangailangan pa rin ng mga panalangin
natin. O sige na, Pa. Huwag niyo na po akong kalabitin…

 

Epilogue:
You’ll never miss what you never had.

Logbook
pages:
1.0

Fast fact: I had a similar experience last year when a departed friend of mine spoke to me in my dreams. To make things short it was just a normal conversation, but that dream’s timing was so mind-boggling I just can’t believe it. I’ll disclose the details in the next post since it’s about one of my many happy times with that good friend of mine.

Ang T.E….

Saturday, July 1st, 2006

Yr. 2, Iss. 4, Created 02/21/01

Talagang pinaghandaan ko ang araw na iyon. Bagong shine ang sapatos, bagong gupit ang buhok, maayos ang suot na damit, at siyempre hindi dapat mawawala ang confidence sa sarili…

Parang aakyat ng ligaw, ano? Pero hindi naman ‘yon ang ginawa ko non. Unang araw kasi iyon ng application para sa Thomasian Engineer (T.E.) Journal. Hindi ko nga alam kung bakit ko naisip na pumasok dun. Nayaya lang kasi ako nina Leomar at Jowi na subukan ‘yon. Editor-in-chief pa non si Jona, at sina Ivan naman eh mga baguhan palang. Siguro nagkalakas lang ako ng loob noon kasi marami akong kakilala sa T.E. Kala ko nga porque’t may kasosyo na ako sa loob eh makakalusot na agad ako. Sa totoo lang, ang hihirap ng mga pinagawa sa amin. Una, magsusulat ka ng mga essay, given ang topic. Tapos naman magiimbento ka ng istorya na gagawin mong pang news section. Meron din na gagawa ka ng editorial. Hiningi nga non ‘yung opinion ko sa texting. Siguro naka dalawang oras akong nagsusulat non, pero mabuti nalang at nagbunga ang paghihirap ko. Nakapasa ako… sa first round. May interview pa pala! ‘Yung mga matataas na tao sa T.E. ang nag-prito sa akon, na ang balita ko eh mga strikta talaga. Isa doon si Jona. Hinding-hindi ko talgaga malilimutan ang tanong niya sa akin: "Anong priority mo, ang pag-aaral o ang T.E.?" Kayo, ano sa palagay niyo?

Hindi ko na nakita ang pangalan ko sa billboard pagkatapos ng interview. Nagpakatotoo lang naman ako nung mga panahong ‘yon. Kaya naman kasi tayo pumasok sa Eng’g eh para mag-aral, hindi ‘yung maging journalist. Napagisip-isip ko rin na ang mga bagay na tulad ng pagsusulat eh kailangan ng napakalaking commitment. Ang importante ngayon ay ang pag-aaral ko, tsaka na ‘yung kahibangang ‘yon. Darating nalang ‘yon…

Epilogue:Talent alone cannot make a writer.

Logbook pages: 1.5

Fast fact: My failure to be included in the Thomasian Engineer Journal roster became beneficial in the end. Had I been accepted, this whole “XEcE-BiLyArAn” journal series would have never come to fruitition, making true to the saying that “for every door that closes, another one opens…”