Archive for August, 2006

Sorrow’s Path…

Tuesday, August 15th, 2006

Yr. 2, Iss. 7, Created 04/08/01

 

Uhh… Sino ba ang nagpatay ng electric fan? Ang
init-init. Anong oras na ba? Ha!? Magfa-five pa lang ang init na! Sobra naman
‘tong tag-init na ‘to, oh. Teka, ba’t ayaw umandar ng fan? Ahhh!!! Brownout
pa!!!
"

Ipako sa krus! Ipako sa krus! “Bakit ang taong ito
ang gusto niyong ipako, gayong wala naman siyang kasalanan?
” Ipako sa krus!!
Ipako!!… “Grabe na ‘tong init na ‘to. Maka-ligo na nga. Naku, ang aga-aga pa.
Mamaya eh pagpapawisan nanaman ako nito. Sabagay, kanina pa naman brownout,
baka maya-maya lang eh magkaroon na…
” “Talagang mapilit kayo. Kung ano man ang
inyong dahilan at siya’y nagkasala, kayo nang bahala sa kanya, basta ako ginawa
ko na ang parte ko.
” Ipako!! Ipako!!… “Nakakabobo naman ang init na ‘to!
Hindi ka makakilos ng matino. Makapunta nalang sa SM, baka malamig pa doon…

Ginapos siya sa isang poste, at siya’y nilatigo ng nilatigo hanggang siya’y
bumagsak nalang dahil sa sakit at pagod na naipon sa katawan niya. Pagkatapos
ay binigyan siya ng koronang yari sa tinik, na siyang bagay daw sa “hari ng mga
hari”… “Wala ring kwenta, mainit din pala dito. Pero ok na rin ‘to, keysa naman
sa bahay na para kang nasa sauna. Aba! May ilaw na! Siguro mayroon na rin sa amin, makauwi na…
" Pinasan niya ang krus na halos triple na sa bigat niya. Sa sobrang bigat, tatlong beses siyang bumagsak habang tinatahak ang daan patungo sa kanyang kamatayan… "Ha?! Wala pa rin?? Ba’t Quezon City lang ang nagkaroon?? Naiinis na ako!! Pagsimba nga mamaya eh babalik uli ako ng SM. Walang kwenta talaga ang Napocor na ‘to eh!…" "Aking Ama, ihahatubilin ko na po sa Inyo ang aking sarili…"

Matapos bigkasin ni Jesus ang mga salitang iyon ay
nalagutan Siya ng hininga. Magsiluhod po tayong lahat.
” Hanngang ngayon madilim
pa. Puro kandila lang ang nasa loob ng simbahan. Siguro, kaya nag-brownout eh
pinapaalalahanan tayo ng Diyos na ngayong Holy Week eh naghihirap si Jesus.
Siguro, tiisin nalang natin kung ano mang hirap ang nararanasan natin. Sa
paraang iyon, matutularan natin Siya, gaya ng pagtulong Niya sa atin sa araw-araw…
 

Epilogue:
Pure and complete sorrow is as impossible as pure and complete joy.

Logbook
pages:
1.5

Fast fact: As you can see from my entry, the Philippines was still experiencing long brownouts as recently as 2001. Then again, the world would be experiencing greater sorrow in the coming September of that year. May all those who have perished in the attacks rest in peace…

Da Chuwariwariwaps…

Tuesday, August 1st, 2006

Yr. 2, Iss. 6, Created 03/18/01

’Di ko kayang tanggapin, na mawawala ka na sa akin. Napakasakit na marinig na ayaw mo na sa aahhkin…”

Ibang klase talaga ang nagagawa ng serbesa, ‘no? Nung pagpasok pa lang namin don eh nagkakahiyaan pang umupo sa sala, ngayon eh dinaig pa ni Avelino si Jayson sa pagiging “Jukebox King” ng klase (sorry nalang Jay, umalis ka kagad eh). Nung una eh Westlife ang binabanatan niya. Tapos, nang medyo nalulunod na sa alkohol si Bunso, eh mga jologs na kanta na ang binira. Nawala nga ‘yung antok ko non sa katatawa, pati rin sina Pats, John, Rommel, “Big M”, Tiway at sina Sherwin eh nagkanda baliwan na. Kala ko nga non eh ligtas na kami sa mikropono, kaso nga lang para itong shot glass na pinagpapasa sa amin, kaya napasabak din kami. Sa totoo lang, ang saya nga eh. Biro mo, saan ka makakakita ng Napoleon Bautista na kumakanta ng Martin Nievera? O kaya ng John Liray na bumabanat ng Coco Lee? Bumagay nga kay Patrick ‘yung “Harana” ng Parokya. Sina Rommel din at Noel eh may mga kanya-kanyang banat. Pero kung banatan lang ang pag-uusapan eh si Avelino talaga ang bida. Nakuha niya pang suyuin ang dalawang bisita ni Sherwin na taga U.P. Bisita kamo? Birthday kasi ni Win non. Parang reunion na rin ng “Salamat’s Theater Boys” (ngayon eh choir na!). Timing na timing nga; pagkatapos ng lahat ng submission eh may kasiyahan para mag-unwind. Hmmm… ano nga bang ginawa ko non?

Paminsan-minsaaan, ang alaahhla mooo’y nagbaaabaaalik. At aaminin kooo, hanggang ngayooon ika’y iniiiibiiig… (Huh? Ba’t ko nga ba kinakanta ‘to???)”

Epilogue:The great source of pleasure is variety.”

Logbook pages: 1.0

Fast fact: Ok, as promised I’m going to tell you about my uncanny experience last year. Bunso spoke to me in my dream that night, and even though he was deceased then I never felt any fear because he was such a great friend that we missed him so much (as evidenced in today’s post). Anyway, he asked me how things were going on with me and our friends, especially his girlfriend. I just told him that we’re all ok here, that he has nothing to worry about. I also told him that we all miss him and we always prayed for him. Then, he just smiled back in return, the same smile that I always see from him when he was with us. The next day I told his girlfriend about what happened last night, and to my surprise she told me that on that night was the exact birthday of Bunso! He might be trying to remind me about that special day of his, or it may be some other sign. But the important thing is that I got to speak with someone very dear to our hearts, someone we felt has more things to accomplish in life. This post is dedicated to you, Bunso. We’ll never forget you!