5ive…

April 15th, 2006 by n25

Yr. 1, Iss. 21, Created 11/11/00 

 

Ano ba yan. Bagsak nanaman ako. Ang laking malas ko
nga naman o. Kahit anong gawin ko yata eh palpak. Naalala ko tuloy ang kwento
kay Flonie, isang batang mapagaral ngunit…

Si Flonie ay isang batang babae na nag-aaral sa
isang pampublikong elementarya sa Maynila. Siya’y isang pangkaraniwang bata na
malikot at mahilig maglaro. Kahit nga sa mga batang lalaki eh nakikipaglaro
siya. Pero pag dating sa pag-aaral eh talaga namang napakasipag niya. Isang
masayahing bata ‘yang si Flonie, ngunit isang araw ay nagulat ang kanyang ama
nang makitang umiiyak ito. “O, anong nangyari sa iyo? Nakipag-away ka nanaman
sa mga lalake?
” “Hindi ho ‘tay (hikbi!). Kasi po ‘yung titser ko po eh binagsak
ako.
” “Ha?! Saan?? Napakawalang-hiya naman non!!!” “Kasi po ‘tay (hikbi!),
nagpagawa siya sa amin ng project. Gumawa raw ng mga hayop na ang gamit ay
clay. Napasa naman po ako, pero… waaaahhh!!!
” “O, tahan na. Ano ba kasing
ginawa mo? Patingin nga…
Eto po o (singhot).” “O, ba’t itong manok mo eh apat
ang paa?!?
” “Kasi po ‘tay, gumawa po ako muna ng manok na dalawa ang paa, pero
ayaw pong tumayo. Kaya ‘yan po, dinagdagan ko po. Kaya nakakatayo na po
(singhot)…

Maganda ang hangarin ni Flonie, pero sa maling
paraan. May iba pa namang pwedeng gawin para tumayo ang manok niya. Parang
nangyayari sa atin ngayon. Resign dito, impeach diyan, rally dito, akusa diyan.
Magandang hangarin nga ang ginagawa ng mga Pilipino, pero naisip niyo na ba
kung nasa tama ito? Ang sa akin lang eh huwag padalos-dalos ng kilos. Mag-isip
muna kung tama ang mga haka-hakang kumakalat sa paligid. Sige kayo, matulad
kayo sa aming dalawa ni Flonie (hikbi!)…

 

Epilogue:
“To err is human, but to judge is God.”

Logbook
pages:
1.0

Fast fact: I’m not very fond of talking about political issues and I avoid them as much as possible, but this one’s too good to pass up. The funny thing is that this particular journal is still very applicable up until now, as if nothing happened for the past 5 years…

Ang Tito kong si Toti…

March 31st, 2006 by n25

Yr. 1, Iss. 20, Created 10/09/00

Ang saya talaga ng buhay ko sa Bulacan. Mga bata pa
kami noon ng mga pinsan ko. Sa lahat ng oras ay puro laro, bulakbol, at siyempre hindi rin maiiwasan ang mga kalokohan…

Hoy! Bumaba nga kayo riyan! Sinabi nang huwag
kayong aakyat riyan eh!
” ‘Yan si Toti. Ang tito kong terror sa Bulacan. Nahuli
niya kasi kaming umaakyat-baba sa pader. Tinitignan kasi namin ‘yung kalabaw na
naka-koral sa kabilang bakod. “’Alikayo rito’t maturuan ng leksyon…” Takot na
takot talaga kami non, lalo na pag hinahampas na niya ang patpat na pamalo sa
amin. “Dapa! Ihanda niyo ‘yang mga puwet niyo!” Siguro kung uso na ‘yung “Aray” noon, kanta na kami ng kanta non. ‘Yan ang madalas mangyari sa aming magpipinsan. Kapag ginagawa nga sa amin ‘yon, halos ikasuklam ko na siya. Nagsasaya lang naman kami, tapos kung paluin kami eh parang may nagawa na kaming mabigat na kasalanan. Pero, di nagtagal naintindihan ko na rin ang mga ginagawa niya. Naalala niyo pa ba nung tumalembang ako sa bisikleta (Malikat Ya Birthday,
Feb. 4, 2000, Iss. 9)? Nagkaroon ako ng malaking sugat sa binti non; halos gripo na ang pagtulo ng dugo. Takot nga akong magpakita kay Toti non, baka kasi pagalitan nanaman ako. Pero imbis na gawin niya ‘yon, ginamot niya ang sugat ko sa pamamagitan ng kanyang laway (sige, mandiri na kayo). Ilang sandali lang eh tumigil na ang pagdugo, at ilang araw lang eh naghilom na ang sugat. Kakaiba talaga si Toti…

Noon ko nalaman kung bakit ganun siya ka-strikto sa amin. Ayaw niya kaming mapahamak o madisgrasya. Gusto niya na bago kami gumawa ng isang hakbang, pagisipan muna namin kung tama ang gagawin namin. Sa ngayon, hindi na kami pinapalo ni Toti. Nasa New Jersey na siya ngayon, asenso na. Ang taong nasa tama talaga, malayo ang mararating sa buhay. Sana, balang araw, maging tulad ko rin po kayo, Tito Toti…


Epilogue:
“The secret of success is constancy to
purpose.”

Logbook
pages:
1.5

Fast
fact:
My uncle’s real name is Feliciano, and his real nickname is “Seseng”.
Well, where did “Toti” come from? It’s a reverse for “tito”, the Filipino
equivalent of “uncle”. Our parents usually tell us that we coined that name; however
I think that it is still unproven and is just one of our family’s more popular legends.

The Beautiful Ones…

March 16th, 2006 by n25

Yr. 1, Iss. 19, Created 09/20/00

Sa wakas NECES week nanaman. Isang linggo nanaman ng
puro naka-civilian, pagkawala ng pasok, puno ng seminar at pa-contest. Isa na
sa pinakahihintay doon ay ang Mr. at Ms. NECES pagent. Ano nga bang nangyari
nung mga sandaling ‘yon?

Sa mga napanood ko nang mga pagent, ang Mr. at Ms.
NECES kagabi ang kakaiba. Dahil sa unang pagkakataon eh may sumaling contesant
na parang sira kung magdala sa sarili. Siya si JP, taga 5A, na kakilala ni
Michael Cas. Sabi nga niya matalino raw si JP, pero kung una niyo palang siya
nakita eh magtataka kayo kung bakit nakaabot pa ng fifth year ang sintu-sintong
‘to. Para nga siyang walang pagkaseryoso sa buhay. Pwedeng-pwede nga siya sa Skul Bukol. Sa pagent nga eh pansin na pansin siya. Sino ba naman ang di makakalimot sa wig na sinuot niya tapos ginawa pa niyang chest hair? O kaya ‘yung pag break-dance niya? ‘Yung kakaiba niyang lakad at palayaw (di ko masyadong na-gets eh)? Siguro kung wala siya doon eh sa "sandal blooper" at sa mga naughty questions nalang ni Joel kami matatawa. In short, kung wala siya, isa nanamang ordinaryong pagent ang nangyari kagabi. Parang buhay natin ‘yan eh: hindi sa lahat ng oras eh puro pagseseryoso nalang. Kahit papano eh dapat maglibang ang tao. Kaya nga naimbento ang pag le-leave, ang pasko, at ang NECES week… 

Sayang nga lang at di man lang siya naging finalist.
Seryoso kasi ang mga judges. Pero ‘wag mong sabihin na di ka naaliw sa kanya.
Oo nga pala, ang mga nanalo eh si Russel ng 4A at ‘yung 2nd year na returning
taekwondo contestant na si Joy. At Sheila, congrats nga pala. Kahit hindi ka
nanalo, panalo ka pa rin sa puso’t isipan namin. Napatunayan mo kasi na kaya
mong higitan ang sarili mong pagkahiya. Malayo ang mararating mo, Baby Love…

 

Epilogue:
“There is no excellent beauty that hath
not some strangeness in proportion.”

Logbook
pages:
1.5

Fast fact: "Baby Love" had no plans of competing in Mr. and Ms. NECES then as she is not fond of pagents, unfortunately the organizers require at least 1 for each section . She was basically "forced" to join as no one else in our class wanted to. Mustering enough courage to face the event, she eventually came out as a semi-finalist. Again, hats-off to you Sheila!

Fling, Fling, Walang Supling…

February 27th, 2006 by n25

Yr. 1, Iss. 18, Created 09/06/00
(Founder’s note: Parental guidance is advised while reading this issue. Minors must be accompanied at all times. Tiway!)

 

Ako po si “Raul”, isang first year student sa isang
kilalang unibersidad. Ang taas ko eh 5’7”, moreno at may hitsura naman. Galing po ako sa isang exclusive school na napaka-conservative, pero hindi ko akalain na tuluyang magbabago ang buhay ko sa pagtung-tong ko ng kolehiyo…

Nagsimula po ang lahat nang makilala ko si “Nene”
(di tunay na pangalan), 5’6” ang taas, maputi, sexy at maganda. Masarap din
siyang kausap dahil matalino rin siya. Di na rin ako magtataka kung mapa-ibig
ako sa kanya; para sa akin perpektong babae siya. Dalawang buwan ko rin po
siyang niligawan, at laking tuwa ko po nung sagutin niya ako. Parang panaginip
na nagkatotoo. Agad-agad kaming nag-date nun. Simple lamang ang ginawa nilang
lakad: punta sa mall, kain, pagkatapos nood ng sine. Ang pinanood nga namin non
eh “The Matrix”. Doon ako nagtaka sa kanya;  balisang-balisa siya nung mga panahong ‘yon. Parang di niya alam ang kanyang gagawin. Nagulat na lamang ako at bigla niya akong hinalikan. Hindi lang ordinaryong halik kung di ‘yung tinatawag nilang "French Kiss". Sa taranta ko ay pilit ko siyang nilalayo, pero inilagay lang niya ang kamay ko sa kanyang dibdib at pilit na pinahahawak. Halos nawalan na ako sa sarili noon, lalo na nung sinimulan na niya akong "tikman". Di nagtagal eh sabay kaming  umabot sa "climax" ng "The Matrix", at nung matapos ang sine ay nagkayayaan kaming mag-motel. Bitin kasi eh…

Nagbunga ang pagtatalik namin noon, na siyang kadahilanan kung bakit hirap na hirap na ako sa buhay ko ngayon. Wala nang pa gimik-gimik, wala nang pa gabi-gabi, wala nang pa playstation-playstation. Lahat ginagawa ko para mabuhay lang ang ka live-in ko at ang anak namin. Nagsisisi ako’t di man lang ako nakatikim ng pagkabinata at maging matagumpay sa buhay. Di ko nga alam kung makakatapos pa ako sa kolehiyo. Kaya kung ako sa inyo, magseryoso muna kayo. O kung hindi niyo kaya, mag fling-fling, per walang supling!

 

Epilogue:
“It is misery enough to have once been
happy.”

Logbook
pages:
1.5

Fast fact: As this is supposed to be a parody to all of those cheesy stories that you could read on some tabloids, I’ve stressed before and is stressing right now that "This story is ficticious and has no relation whatsoever to the founder’s life. Tiway…". In fact, of all the topics that I’ve written before, this particular one has generated the most number of controversies back then that I’m forced to make some much needed self-censorships before posting it here in Paperview.

The Perfect Storm…

February 15th, 2006 by n25


Yr. 1, Iss. 17, Created 08/22/00

Isa talaga sa mga hilig ko eh ang panonood ng sine,
at hindi ‘yung mga tipong pito-pito ha. Gustong-gusto ko talaga ‘yung mga
tipong isang bida against all odds, kagaya ng Passenger 57 at Airforce One.
Gusto ko rin ‘yung mga inspirational na medyo madrama, tulad ng The Perfect
Storm…

Napanood niyo na ba ‘yon? Kung hindi pa, ikukwento
ko nalang sa inyo, tutal pawala na rin ‘yun eh. Tungkol ito sa mga fishermen na
hindi nabayaran ng sapat kasi konti lang ang huli nila. Dapat sana eh magbabakasyon muna sila sa pangingisda kasama ang mga pamilya’t kaibigan nila. Kaso nga lang, itong kapitan nilang si George Clooney eh hinamon silang bumalik uli sa dagat para mapatunayan sa kuripot na pagpapasweldo sa kanila na kaya nilang humakot ng big-time. At para nila magawa ‘yon eh kailangan nilang pumunta sa parte ng dagat na maraming mahuhuling isda, pero madalas ding bumabagyo. Ang hindi nila alam eh didiretso sila sa pagitan ng dalawang malalaking bagyo, "the perfect storm", ika nga ng weatherman doon, na minsan lang kung mangyari sa mahabang panahon. To make things short, namatay lahat ng crew ng Andrea Gale, kasi nung paalis na sila sa area ng bagyo eh nag-capsize ‘yung barko nila dahil sa ga-higanteng alon na sinalubong nila…

Kala niyo si pareng George Clooney lang ang
nakaranas ng perfect storm? Tayo rin, nung last week. Tumaob din ba kayo non? Sana matulad din tayo sa mga bida ng pelikulang ‘yon, na hindi tumigil sa pakikipaglaban hanggang sa huling sandali. Sana, kahit alam natin na may sequel pa ‘tong bagyo natin eh hindi tayo susuko. Sama-sama nating tatawirin ang unos ng buhay nating ito…

 

Epilogue:
“The rainbow comes after the storm.”

Logbook
pages:
1.0

Fast
fact:
Although I do enjoy going to the movies, I never had a large collection
of them at home as I prefer to do other things to relax and unwind. For me,
watching movies at home is a “waste of time”.

Fire in the Hole…

January 31st, 2006 by n25

Yr. 1, Iss. 16, Created 08/09/00

Bwisit talaga, kulang nanaman ang pera ko sa pambili ng Actic Rifle. Pano ba naman eh natatalo na nga ako, talunan pa team ko. Pero ok lang, mas trip ko naman yung Navy, pang rat-rat…

Bwisit talaga, epal talaga ‘tong mga Harpy na ‘to. Pwede pa sana ‘yung Medusa Heads, kaso nga lang masyado nang gumugulo ‘pag nagsama na ‘yung dalawang ‘yon. Pero ok lang, pwede ko naman silang i-Soul Steal eh. Eto pang isang bwisit, ‘yung mga kalaban ko sa GT2. Sa simula eh nauunahan ko sila, pero bandang uli eh panay 2nd place lang ako, ‘di ko tuloy makuha ‘yung 300,000. Pero ok lang, Roadster ata kotse ko! Nabu-bwisit din ako dito, sa FF8. Ang hirap intindihin ng mga junction at card games, nakakalito. ‘Yung menu din halos magkandahilo-hilo na ako sa pagkalikot. Pero ok lang ‘yon, maganda naman ‘yung prof ko dun eh (si miss Q). At ‘yung… teka nga pala, ba’t ba ako reklamo ng reklamo? Pasalamat nga ako at nakakalaro pa ako ng mga matitinding laro na ito eh. ‘Yung mga iba nga diyan (’yung mga mahihirap) eh halos magkandalawit na ang dila sa paghanap lang ng makakain nila. Wala na halos silang panahon sa paglalaro kasi ang karamihan eh nagtitinda ng yosi o sampaguita. Masama pa non, iba eh nagnanakaw o nagra-rugby para lang mabuhay. Sana naman, kahit papaano, eh naiisip niyo man lang sila; sa bawat napapatay niyo sa Counterstrike, may namamatay din dahil sa kahirapan. Magpasalamat din tayo kasi kahit papaano eh sinuswerte tayo sa buhay…

Ay nako!!! Bwisit talaga, hindi pa ako nakakapunta ng Greenhills para makabili na ako ng Metal Gear Solid. Pero ok lang, magtatiyaga nalang muna ako sa CS. Fire in your hole (tama ba ‘yun?)!!!

Epilogue: “Few, save the poor, feel for the poor.”
Logbook pages: 1.5

Fast fact: Obviously, I was and still am a "part-time Engineer, full-time Gamer".

Horny Tonite…

January 15th, 2006 by n25


Yr. 1, Iss. 15, Created 07/18/00

Hay nako, ginagabi nanaman ako. Dapat kasi eh ginagawa ko na kanina ‘to. Yan tuloy, medyo nahihibang nanaman ako…

Ala lang. Kanina kasi, nag-aayos ako ng gamit. Alam niyo na, ‘yung mga tipong pira-pirasong mga papel na na-iipon nating habang nag-aaral pa sa Eng’g. Mahilig kasi akong magtatago ng mga ito. Siguro sa tinigin niyo eh puro basura lang ito, may ilan din naman na mapapangiti ka nalang kapag makikita mo. "Sentimental" ika nga. O ‘yun na nga, habang nag-aayos ako eh nakita ko uli ‘yung ticket ng una ‘kong pagpunta sa induction ball. Hindi ko nga alam kung bakit napapunta ako nun. Siguro may gusto lang akong makasama non, o baka nayaya lang ako. Ewan ko, pero ang alam ko nagsaya talaga ako non. Naalala ko pa nung manalo si Palicpic sa drinking contest. Tapos ‘yung tatlo pa kaming naghati-hati sa isang bote ng beer nung nagmahal na kinagabihan. Doon din ako nakakilala ng bagong kaibigan, na hanggang ngayon eh friends pa rin kami…

Oo nga pala. Mag-iisang linggo nalang at heto nanaman ako. Pangatlo ko na ‘to. Sana naman eh magsaya uli ako ngayong induction ball. At sana rin maki-join din kayo. Para naman at least may mapasaya kayo. ;)

Epilogue: “The wind longs for what it has missed.” (Animus quod perdioit optat.)

Logbook pages: 1.0

Fast fact: Speaking of beer, did you know that alcoholic drinks actually lower your body temperature? The warm sensation you feel is just the body’s reaction to the alcohol in your drink. You’d be better off in eating chocolate, which does raise your body temperature (no wonder it’s the food of lovers!).

Metal Gear Solid, ATBP…

December 31st, 2005 by n25

Yr. 1, Iss. 14, Created 07/11/00

 

Ang sarap talaga ng may computer, sa bahay at least
may nagagawa ka kahit umuulan. Sa totoo lang, ‘yun ang ginawa ko nung nakaraang
linggo, nung parati tayong nawawalan ng pasok (ayon kay Niño & CHED)…

Madalas kong mabasa sa mga mag na magandang laro ang
Metal Gear Solid. Tungkol ito sa isang secret agent na nangi-infiltrate ng
base. Ang alam ko, sa Playstation lang ang larong ‘yon, ‘di ko inakala na
mayroon din sa Gameboy. Kaya ‘yon, nag download ako ng ROM niya, tutal may
emulator naman ako. Doon nagsimula ang kaadikan ‘kong ito. Nakakaaliw kasing laruin ito. Hindi ito na tulad ng iba diyan, tulad ng Counterstrike, na puro barilan at patayan lang ang objective. Imbis na paramihan ng napapatay, mas mabuting wala kang makaaway na kalaban. Kailangan ‘di ka nila makita habang sinasabotahe mo na ‘yung base nila. Para kang ngang spy dito o kaya parang Mission Impossible ang dating. Kung sa mga larong patayan eh kailangang makakuha ka ng hebigating kanyon o ano pa man, sa Metal Gear Solid eh mas bida ang 5.7 caliber na may silencer. Marami ka ring pwedeng pagtaguan sa larong ito: mapa-tubig, mapa-damuhan, mapa-airduct, atbp. Ang pagiging stealthy ang pinaka-weapon mo dito, kasi kapag nakita ka, patay kang bata ka…

Sa buhay, hindi natin maiiwasan na magtago o umiwas
paminsan-minsan sa mga problemang dumarating sa atin. Kung sa laro, ang buhay
ay parang Counterstrike na matira ang matibay, pero sa kabila ng lahat, kahit
‘di natin gustuhin, may mga ilang pagkakataon na napipilitan tayong magtago at
lumihis sa ating problema. Ito na ‘yung mga tipong bagyo ng buhay, mga oras na
wala na tayong lakas na humarap. Dito na rin tayo humihingi ng kalinga ng iba;
dahil mas makakaahon sa unos kung tayo’y magsasama-sama. Teka, asan na ‘yung
mga kapwa terorista ko?!? Bwisit na Counterstrike ‘to oh!

 

Epilogue:
“I am never less alone than when alone.”
(Minus solum, cum quam solus esset.)

Logbook
pages:
1.5

Fast fact: UST was (and still is) notoriously vulnerable during the rainy seasons that we sometimes had classes suspended even on signal #1 storms. On one instance we even got stranded there and had to sleep off the flooding.

As a year-ender special, I would like to thank everyone who has tirelessly read my blogs for the past 8 months. Personally, 2005 has been one of the most memorable years that I’ve had, having experienced the lowest points to the highest points in my life. And to all of my friends out there and for all of you readers, have a Happy 2006! More blogs to come ;)

The New Season…

December 15th, 2005 by n25

Yr. 1, Iss. 13, Created 06/28/00


        O, sa mga kinilig diyan pagkabasa ng topic ngayon,
lilinawin ko lang kayo. Hindi po ito tungkol kay super-gwapong-now-defunct Dave
Sison. Wala lang, gusto ko lang ipaalam sa inyo na pasukan na ho, tama na
pagde-day dream kay Dave (ulk!)…

Kamusta na? Ano bang nangyari sa inyo nitong
nakaraang summer? Well, sa pagkakaalam ko, si Warren ay nagpataba sa Las Piñas (aircon kasi eh), si Leah ay nag-tennis maghapon, si TJ ay tumunganga maghapon (ala daw nangyari), si Mel naghanap ng skul, si Lovie pumasok sa skul, at si Nette eh nag-drop by sa U. S. of A. Sa akin? Sa totoo lang, napakaraming nangyari ngayong bakasyon sa buhay ko. Isa na dun eh nung nag Baguio kaming mga Baguio Boys, namely Dennis (happiness), Niño at ako. Dumaan pa nga kami ng Dagupan nun eh. Kahit isang araw lang namin nalibot ang Baguio, masayang-masaya na kami non. Kung pupuwede sana mas marami mas masaya, kaso nga lang maraming ‘di nakasama dahilan sa krisis sa pera. Well, meron pa namang class field trip sa 5th year, kaya siguraduhin niyong magkikita pa tayo dun ha! 

Siguro iniisip niyo na obvious na obvious ‘yung
topic natin ngayon. Pasukan nanaman eh, siyempre “new season (duh!)”. Pero sa
totoo lang, may nangyari sa akin na ikagugulat niyo kung malalaman niyo (ask Warren nalang). Ayoko lang isulat dito kasi baka may mainis nanamang "isang tao" diyan. So, kayo nalang ang bahalang umusisa. ‘Yung bagay na iyon ang nagpa-iba ng takbo ng buhay ko (kahit papaano). Basta, to whom it may concern, thank you for the very memorable 2 years that "I tried to reach you"*. At least I learned how to care for somebody… unconditionally…

 

Epilogue:
“There is nothing permanent except
change.”

Logbook
pages:
1.0

Fast
fact:
*This phrase was taken from my third poem entitled “Stars”, which was
published in the Thomasian Engineer Journal. The first one was entitled
“Simile” and was also published in that same journal, unfortunately the second
one entitled “Senses” didn’t make the cut and was not published. Look out for
those three as I plan to post them here in the near future.

Trip Lang ‘To…

November 30th, 2005 by n25

Yr. 1, Iss. 12, Created 03/16/00

Ibang klase talaga ‘tong si Nap. Tahimik pero nasa loob ang kulo. Nung una ko siyang naging kaklase, napakatahimik niya, ni hindi nga humihirit ‘yan eh. Pero ngayon, patindi ng patindi na ang mga sinasabi niya. “Immortal words” ika nga.

Kailangan ko kasing pumunta sa kanila para matapos ko ang documentation ng p*+@!ng power amp na ‘yan. Mahaba-haba rin ang nilakad namin; sa may P. Campa pa kasi siya nakatira. Hindi tuloy maiiwasan na magkwento siya. “’Lam mo, hinarangan ako ng mga frat diyan sa P. Noval. Hindi ko nga alam ‘yung gagawin ko, eh.” Buti na lang pinakawalan ka nung mga ‘yon. “Oo nga eh.” Siyempre, Boy Barena na, Boy Mustard pa! “Hehehe… pero pare, alam mo, ‘di ko na masyadong siniseryoso ang pag-aaral.” Ha?! Sa lagay mong ‘yan di ka nagseseryoso?!? Pano na kami?!?! “Hindi, pere… ganito kasi ‘yon. Lahat ng ginagawa natin sa buhay, pati ‘yang pag-aaral, trip lang ‘yon. Dati kasi masyado akong nagseseryoso, kaya ‘yon parang nawalan ako ng gana non. Kung anu-anong subjects ang dinrop ko. At saka masakit ‘pag di mo nakamit ang isang bagay na sineryoso mo masyado, ‘di ba?” Nanahimik nalang ako non…

Kailangan bang parating seryoso ang isang tao? O may oras lang ang pagseseryoso? Ngayong patapos na ang sem, nasa sa atin ang desisyon kung magsisipag o tatanga na lang tayo. Ika nga sa basketball, 4th quarter na, crunch time na. Ngayon, may isa na lang akong tanong para kay Nap: sa susunod na may mang hold-up uli sa iyo na dalawang babae, seseryosohin mo ba uli sila, o trip nalang ‘to?

 

Epilogue: “This world is a comedy to those that think, a tragedy to those that feel.”

Logbook pages: 1.5


Fast fact: The monikers "Boy Barena" and "Boy Mustard" came into  being as Nap almost had himself in trouble because of a drill press and a mustard bottle on separate occasions.